Jacob 7:10–12

At sinabi ko sa kanya:

Naniniwala ka ba sa mga banal na kasulatan?

At sinabi niya,

Oo.

At sinabi ko sa kanya:

Kung gayon hindi mo nauunawaan ang mga ito; sapagkat tunay na nagpapatotoo ang mga ito kay Cristo. Masdan, sinasabi ko sa iyo na walang sino man sa mga propeta ang nagsulat, ni nagpropesiya, maliban sa nangusap sila hinggil sa Cristong ito. At hindi lamang ito—ipinaalam sa akin ito, sapagkat aking narinig at nakita; at ipinaalam din ito sa akin sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo; kaya nga, nalalaman ko na kung walang pagbabayad-salang gagawin ay tiyak na maliligaw ang buong sangkatauhan.

From section: Si Sherem Ang Anti-Kristo

From page: Ang Lupain ni Nephi

Commentary