Jacob 7:17–19

At ito ay nangyari na, na kinabukasan ang maraming tao ay sama-samang nagtipon; at nangusap siya nang malinaw sa kanila at itinatwa ang mga bagay na kanyang itinuro sa kanila, at kinilala ang Cristo, at ang kapangyarihan ng Espiritu Santo, at ang paglilingkod ng mga anghel. [i]1362[/i]

At nangusap siya nang malinaw sa kanila, na siya ay nalinlang ng kapangyarihan ng diyablo. At nangusap siya tungkol sa impiyerno, at sa kawalang-hanggan, at sa walang hanggang kaparusahan. At sinabi niya:

Natatakot ako na baka nakagawa ako ng walang kapatawarang pagkakasala, sapagkat nagsinungaling ako sa Diyos; sapagkat itinatwa ko ang Cristo, at sinabing naniniwala ako sa mga banal na kasulatan; at tunay na nagpapatotoo ang mga ito sa kanya. At dahil sa nagsinungaling ako nang gayon sa Diyos ay labis akong natatakot at baka maging kakila-kilabot ang aking kalagayan; subalit nagtatapat ako sa Diyos.

From section: Si Sherem Ang Anti-Kristo

From page: Ang Lupain ni Nephi

Commentary