At ako, si Mormon, ay nananalangin sa Diyos na mapangalagaan ang mga ito mula sa panahong ito. At nalalaman kong mapangangalagaan ang mga ito; sapagkat may mga dakilang bagay na nasusulat sa mga ito, kung saan hahatulan ang aking mga tao at ang kanilang mga kapatid sa dakila at huling araw, alinsunod sa salita ng Diyos na nasusulat.
At ngayon ako, si Mormon, ay magpapatuloy na tapusin ang aking talaan, na aking hahanguin mula sa mga lamina ni Nephi; at gagawin ko ito alinsunod sa kaalaman at pang-unawang ibinigay sa akin ng Diyos.