Pinaikli ni Mormon ang Mga Talaan ng Mga Nephita

Ang Pagpapaikli at Pagtitipon ni Mormon sa mga Sinaunang Kasaysayan ng mga Tao ni Lehi

Mormon 6:6, 3 Nephi 5:10–11
Nang matipon ang kanyang mga tao sa Cumorah, dinala ni Mormon ang mga talaan na nasa lamina ni Nephi (na kung saan siya ay isa sa mga nag-ambag), at lumikha ng sarili niyang mga lamina, kung saan siya ay nagsimula na magsulat ng isang ibinuod na salin ng mga nilalaman ng mga lamina ni Nephi.
Mga Salita ni Mormon 11
Ang mga lamina ni Nephi ay ipinasa-pasa sa lahat ng mga salinlahi, hanggang sa ang mga ito ay mapasakamay ni Mormon.
3 Nephi 5:9
Hindi lang ang mga lamina ni Nephi ang tanging mga tala ng mga Nephita, subalit ito ay mas ginagamit dahil sa kanilang kaiklian.
Mormon 9:32–34
Si Mormon ay sumulat sa isang titik na tinatawag na "Binagong Wikang Egipto," ipinaliwanag niya na kung may lugar pa na mapagsusulatan niya, siya sana ay sumulat sa wikang Hebreo, subalit malinaw na ang paggamit ng "Binagong Wikang Egipto" ay magpapahintulot sa manunulat na makapagtala ng mas maraming impormasyon gamit ang mga kakaunting titik.
Mga Salita ni Mormon 3
Unang gumawa ng pagpapaikli si Mormon sa mga lamina ni Nephi na binubuo ng panahon mula kay Lehi hanggang kay Benjamin.
Mga Salita ni Mormon 3
Matapos gawin ang mga ito, hinalungkat niya ang kanyang mga talaan, na maaaring hinahanap ang susunod na bahagi na paiikliin, at natagpuan ang maliliit na lamina ni Nephi na bumubuo sa gayun ding mga panahon, subalit mas binibigyang diin ang mga katuruang pangrelihiyon.
Mga Salita ni Mormon 4
Si Mormon ay natuwang makita na ang mga maliliit na lamina ay naglalaman ng mga propesiya tungkol kay Cristo at iba pang mga propesiya na naisakatuparan na.
Mga Salita ni Mormon 5–6
Kinuha ni Mormon ang maliit na lamina at isinama ito sa kanyang mga pinaikling talaan ng panahong Lehi–Benjamin.
Mga Salita ni Mormon 7–8
Hindi nakasisigurado si Mormon kung bakit niya isinasama ang mga ito, subalit nararamdaman niya na siya ay hinihimok ng Banal na Espiritu upang gawin ito, at siya ay nagtitiwala sa Diyos na nakaaalam ng lahat, sa kabila ng kanyang sariling kamangmangan.

Ang Pagpapatuloy sa pagpapaikli ni Mormon

Mga Salita ni Mormon 11
Nanalangin sa Mormon na ang mga talaang ito ay mapangalagaan dahil sa mga dakilang bagay na nakasulat sa mga ito.
Mga Salita ni Mormon 9
Nang matapos ang unang bahagi ng kanyang pagpapaikli at isinama ang mga karagdagang mga lamina mula sa gayun ding panahon, si Mormon ay nagpatuloy sa pagpapaikli sa mga nalalabing mga lamina ni Nephi.

Ang Paliwanag ni Mormon sa legal at sistemang pananalapi ng mga Nephita

Alma 11:1
Nang kanyang pinaiikli ang tala sa mga misyon ni Alma sa Ammonihas, Ipinaliwanag ni Mormon sistemang pambatas sa ilalim ng batas ni Mosias.
Alma 11:2
Ang mga Nephita ay mayroong sistemang ligal na umiiral.
Alma 11:3
Ang mga hukom ay binabayaran sa mga bilang ng oras na kanilang trinabaho: Isang senine bawat araw, na katumbas ng isang senum ng pilak.
Alma 11:4
Ang mga Nephita ay lumikha ng kanilang sariling sistema sa pananalapi.
Alma 11:5–6
Ang mga bahagi ng kanilang systema sa pananalapi ay kinabibilangan ng mga sukat ng ginto at pilak. Ang mga sukat ng ginto ay may mga pangalan na: senine, seon, shum, at limnas. Ang mga bahagi ng pilak naman ay: senum, amnor, ezrom, at onti.
Alma 11:7–19
Ang halaga ng bawat yunit ayon sa kanilang pagkakaugnay-ugnay ay ang mga sumusunod: <div style=“margin-left:50px;”> <table> <tbody> <tr style=“border-bottom: 1px dashed #555; border-color: #000000;”> <td style=“text-align: right;”><strong>Ginto</strong></td> <td> </td> <td style=“text-align: center;”><strong>Pilak</strong></td> <td> </td> <td style=“text-align: left;”><strong>Butil</strong></td> </tr> <tr> <td style=“text-align: right;”> </td> <td> </td> <td style=“text-align: center;”>lea</td> <td>=</td> <td style=“text-align: left;”>⅛ panukat</td> </tr> <tr> <td style=“text-align: right;”> </td> <td> </td> <td style=“text-align: center;”>siblum</td> <td>=</td> <td style=“text-align: left;”>¼ panukat</td> </tr> <tr> <td style=“text-align: right;”> </td> <td> </td> <td style=“text-align: center;”>Shiblon</td> <td>=</td> <td style=“text-align: left;”>½ panukat</td> </tr> <tr> <td style=“text-align: right;”>senine</td> <td>=</td> <td style=“text-align: center;”>senum</td> <td>=</td> <td style=“text-align: left;”>1 panukat</td> </tr> <tr> <td style=“text-align: right;”>antion</td> <td> </td> <td style=“text-align: center;”>=</td> <td> </td> <td style=“text-align: left;”>1½ panukat</td> </tr> <tr> <td style=“text-align: right;”>seon</td> <td>=</td> <td style=“text-align: center;”>Amnor</td> <td>=</td> <td style=“text-align: left;”>2 panukat</td> </tr> <tr> <td style=“text-align: right;”>shum</td> <td>=</td> <td style=“text-align: center;”>ezrom</td> <td>=</td> <td style=“text-align: left;”>4 panukat</td> </tr> <tr> <td style=“text-align: right;”>limnah</td> <td>=</td> <td style=“text-align: center;”>onti</td> <td>=</td> <td style=“text-align: left;”>7 panukat</td> </tr> </tbody> </table> </div>

Ang Paglalarawan ni Mormon sa Heograpiya ng mga Nephita at mga Lamanita

Alma 22:27
Habang pinaiikli ang mga tala ng misyon ni Aaron sa mga Lamanita, si Mormon ay lumihis at nagsimulang isalarawan ang heograpiya ng lupain: ang teritoryo ng mga Nephita at teritoryo ng mga Lamanita ay hinahati ng isang makitid na gutay ng mga ilang na sumasaklaw mula kanlurang dagat patungong silangang dagat.
Alma 22:28–29
Pinamamahayan ng mga Lamanita ang lupain ng Nephi, ang kanlurang baybayin, at ang mga lupain sa silangan ng mga moog ng mga Nephita.
Alma 22:29
Ang mga moog ng mga Nephita ay kinabibilangan ng lupain ng Zarahemla at umuunat pahilaga patungo sa lupain ng Masagana.
Alma 22:30
Ang Masagana ay malapit sa Kapanglawan, na ang lupain kung saan nanirahan ang mga Jaredita.
Alma 22:31
Ang Kapanglawan ay tumutukoy sa hilagang lupain, at ang Masagana ay kasama sa mga lupain sa katimugan.
Alma 22:32
Ang Masagana at Kapanglawan ay nakatayo sa makipot na bahagi ng lupa; may mga isang araw at kalahati para sa isang Nephita na makapaglakbay mula sa kanlurang baybayin patungo sa silangang baybayin sa puntong iyon.
Alma 22:33–34
Ang mga Nephita ay mapakanang itinaguyod ang kanilang mga sarili sa Masagana, upang mapigilan ang mga Lamanita sa pag-usad pahilaga at makakuha ng mga karagdagang teritoryo.
Alma 22:35
Bumalik si Mormon sa pagsusulat tungkol sa mga misyonerong Nephita.

Ang mga Puna ni Mormon Hinggil sa mga Talaan ng mga Nephita

Helaman 3:13
Habang pinapaikli ang mga talaan ni Helaman, itinala ni Mormon na sa katunayan ay maraming iba’t ibang talaan ng mga Nephita.
Helaman 3:14
Ipinaliwanag ni Mormon na hindi niya magawang isulat ang ika-isandaang bahagi ng alamat ng mga Nephita.
Helaman 3:15
Si Mormon ay may karapatan sa malaking bilang ng mga talaan, karamihan sa kanila ay mga isinulat ng mga Nephita.
Helaman 3:16
Ipinasapasa ng mga Nephita ang kanilang mga talaan pababa mula sa isang salinlahi hanggang sa susunod, hanggang sa sila ay mahulog sa kasalanan at pagiging hamak.
Helaman 3:17
Bumalik si Mormon sa pagpapaikli sa mga talaan ni Helaman.

Ang Mga Saloobin ni Mormon Tungkol sa Kapalaluan at Katigasan ng Ulo ng Sangkatauhan

Helaman 12:1
Si Mormon ay lumihis mula sa pagsusulat tungkol sa panahon Gadianton at tinukoy kung gaano kasalawahan ng mga tao, at kung gaano pinagpala ang mga yaong nagtitiwala sa Panginoon.
Helaman 12:2
Sa mga panahon na pinagpapala ng Panginoon kanyang mga tao, sila ay nagiging palalo, at nakakalimot sa Panginoon na nagbasbas sa kanila.
Helaman 12:3
Naaalala lang ng mga tao muli ang Diyos pagkatapos ng kakila-kilabot na mga dilubyo at mga paghihirap.
Helaman 12:4
Ang sangkatauhan ay mabilis sa pagsunod sa mga masasamang gawi.
Helaman 12:5
Ang sangkatauhan ay matitigas ang ulo, at bihirang makaalala o makinig sa Panginoon.
Helaman 12:6
Masama ang loob ng sangkatauhan na magpasakop sa maawain nitong Manlilikha, at sa gayon ay ipinasasawalang-bahala ang kanyang mga payo.

Ang Kadakilaan ng Diyos

Helaman 12:7–8
Ang sangkatauhan ay walang kabuluhan—kahit ang mga alabok ay sumusunod sa Diyos, subalit hindi ang tao.
Helaman 12:9–13
Ang Diyos ay makapangyarihan sa lahat, at pinakikilos niya ang mga elemento.
Helaman 12:14–17
Kayang utusan ng Panginoon ang lupa na umikot sa mga ilog, at ang mga dagat na matuyo, at magagawang utusan ang mga bundok na kumilos.
Helaman 12:18–19
Magagawang sumpain ng Panginoon ang mga pagmamay-ari ng mga tao, at gawin silang hindi matatagpuan.
Helaman 12:20–22
Magagawang sumpain ng Panginoon ang mga tao, at itakwil sila mula sa kanyang harapan.
Helaman 12:23–24
Ang mga nagsisisi ay pinagpapala at pinagkakalooban ng biyaya.
Helaman 12:25
Si Mormon ay umaasa na ang lahat ng tao ay maligtas, subalit nalalaman na ang iba ay hindi.
Helaman 12:26
Ang mga masasama ay walang katapusang magiging miserable, bilang pagtupad sa propesiya.

Ang Editoryal ni Mormon Hinggil sa Kanyang Katawagan at Gawain

3 Nephi 5:7–8
Habang pinaiikli ang mga talaan ni Nephi (ang anak ni Nephi), si Mormon muli ay nalungkot na tanging ilang bahagi lamang ng mga alaala ng mga Nephita ang kanyang maisusulat.
3 Nephi 5:12
Si Mormon ay lumihis ng kuwento, at isinalaysay niya na siya ay ipinangalan sa lugar ng Mormon, kung saan si Alma ay nagtatag ng simbahan matapos na iwan ang pagmiministro kay Noa.
3 Nephi 5:13
Inihayag ni Mormon na siya ay disipulo ni Jesukristo.
3 Nephi 5:14–15
Nalalaman ni Mormon na ito ang kanyang katawagan na isakatuparan ang mga panalangin at mga kahilingan ng kanyang mga ninuno sa pamamagitan ng paglikha ng talaang ito.
3 Nephi 5:16–17
Ipinagpatuloy ni Mormon ang pagsusulat sa kanyang talaan, ayon sa mga talaan mula sa nakalipas, at sa mga sarili niyang karanasan.
3 Nephi 5:18–19
Ang mga talaan ni Mormon ay makatarungan at totoo, hangga’t pinahihintulutan ito ng mga hangganan ng kanyang wika.
3 Nephi 5:20
Si Mormon ay tunay na inapo ni Lehi, at nalulugod na natanggap niya ang ebanghelyo sa pamamagitan ng kanyang pamilya.
3 Nephi 5:21–23
Ang sambahayan ni Jacob ay pinagpala sa pamamagitan ng angkan ni Lehi.
3 Nephi 5:24–25
Ang sambahayan ni Jacob ay maipanunumbalik sa pagtitipon ng Israel.
3 Nephi 5:26
Malalaman nila na si Jesus ang kanilang Manunubos, at Tagatipon.

Mga Tala ni Mormon Tungkol sa Katuparan ng mga Propesiya

3 Nephi 10:14
Si Mormon ay sumulat tungkol sa isang kakila-kilabot na bagyo na nanalanta bago ang pagdating ni Cristo (na iprinopesiya ni Samuel), nagsumamo siya sa mga mambabasa na saliksikin ang mga banal na kasulatan, at maging maalam sa mga propesiya na naroroon, sapagkat sila rin ay maisasakatuparan.
3 Nephi 10:15
Ang mga propesiya at mga patotoo sa mga banal na kasulatan ay nagkakahalaga ng mga buhay ng maraming tao.
3 Nephi 10:16
Si Zenos at Zenok ay kabilang sa mga yaong nagpropesiya at nagpatotoo.
3 Nephi 10:17
Si Jacob (kapatid ni Nephi) ay sumulat tungkol sa binhi ni Jose, na binabanggit sa mga laminang tanso.
3 Nephi 10:18–19
Inihahanda ni Mormon ang kanyang mga tagabasa para sa isang maluwalhating pagpapala sa mga tao na pinagpakitaan ni Jesukristo.

Mga Saloobin ni Mormon Habang Kanyang Tinatapos ang Kasaysayan ng Ministeryo ni Kristo

3 Nephi 28:24–25
Habang tinatapos ni Mormon ang pagsusulat sa kuwento ng pagmiministeryo ni Jesus sa mga tao, gagawin na sana niyang isulat ang mga pangalan ng tatlong disipulo na pinagkalooban ng kawalang-kamatayan, subalit pinagbawalan siya ng Panginoon.
3 Nephi 28:26–28
Isinalaysay ni Mormon na binisita siya ng tatlong disipulo at na sila ay hahayo sa ibang bansa, subalit hindi makikilala ng mga tao.
3 Nephi 28:29
Sa takdang panahon ng Panginoon, sila ay magmiministeryo sa mga nawawalang lipi ni Israel, at magdadala ng maraming kaluluwa kay Cristo.
3 Nephi 28:30–32
Ang mga disipulo ay katulad ng mga anghel ng Diyos, at maraming mga himala ang maisasagawa sa pamamagitan nila.
3 Nephi 28:33
Kung ang lahat ng mga banal na kasulatan patungkol sa pagmiministeryo ni Cristo ay mailalabas, magiging napakalinaw na ang mga propesiyang ito ay tunay na maisasakatuparan.
3 Nephi 28:34–35
Sila na tatanggihan si Jesus ay mas mabuti pa sanang hindi nalang ipinanganak.

Mga Puna ni Mormon Hinggil sa Tatlong Disipulo

3 Nephi 28:36–37
Ipinaliwanag ni Mormon na ang mga disipulo na pinagkalooban ng kawalang-kamatayan ay pumasailalim sa isang pisikal na pagbabago na nangyari sa kanilang katawan.
3 Nephi 28:38
Ang pagbabagong ito ang pumipigil sa proseso ng kamatayan, at pinapangyari na sila ay hindi makadama ng sakit, maliban sa mga kalungkutan para sa kasalanan ng sanlibutan.
3 Nephi 28:39–40
Ang pagbabagong ito ay hindi katulad ng pisikal na pagbabago na mangyayari sa pagkabuhay na mag-uli, ito ay isang pansamantalang kalagayan lamang.

Mga Tala ni Mormon Hinggil sa Pagdating ng Kanyang Talaan

3 Nephi 29:1–3
Ang paglabas ng Aklat ni Mormon ay isang tanda ng pagtitipon ng Israel.
3 Nephi 29:4
Sa puntong iyon, ang pagtanggi sa mga gawain ng Panginoon ay magdadala ng mga mabibigat na mga kahihinatnan.
3 Nephi 29:5–7
Sa aba ng mga yaong nagtatatwa kay Cristo, o sa mga makalangit na paghahayag, o sa propesiya, o mga himala.
3 Nephi 29:8–9
Sa oras na simulan ng Panginoon ang kanyang gawain, anumang pagtatangkang pigilan siya ay walang saysay.
3 Nephi 30:1–2
Inutusan ng Panginoon si Mormon na ihayag ang pagtawag tungo sa pagsisisi para sa mga Gentil, at anyayahan sila na sumama sa mga tao ng Diyos.

Ang Mensahe ni Mormon sa Israel at mga Hentil

Mormon 3:17–19
Si Mormon ay sumulat sa mga Gentil, sa Israel, at sa buong mundo.
Mormon 3:20
Ang bawat kaluluwa ay nararapat na tumayo sa hukuman ng Diyos upang mahatulan sa kanilang mga gawain.
Mormon 3:21
Maniwala sa ebanghelyo ni Jesukristo, para sa mga Gentil at gayun din sa mga Hudyo.
Mormon 3:22
Hinangad ni Mormon na maihanda niya ang lahat ng mga tao na magsisi at maghanda para sa paghuhukom.

Ang Propesiya ni Mormon Hinggil sa mga Lamanita at mga Hentil

Mormon 5:8
Habang pinaiikli ni Mormon ang mga bahagi sa mga lamina ni Nephi na siya mismo ang sumulat, sumulat siya na may ilang mga bagay na kinakailangang maipaalam sa ibang bansa.
Mormon 5:9
Si Mormon ay nagsulat lamang ng banayad na salin ng kuwento ng kanyang mga tao, hindi niya ninanais na magdala ng labis na kapighatian sa mga mambabasa.
Mormon 5:10
Si Mormon ay nangusap sa mga Gentil, pinaaalalahanan sila na alalahanin kung saan nagmumula ang kanilang mga pagpapala.
Mormon 5:11
Ang kawalan ng pagsisisi at ang pagkawasak ng mga Nephita ang nagiging sanhi ng maraming pagdurusa.
Mormon 5:12
Ang mga talaan ni Mormon ay ilalabas sa itinakdang panahon ng Diyos, at makararating sa mga labi ng sambahayan ni Jacob.
Mormon 5:13–14
Ang talaang ito ay makararating sa mga Hudyo at Gentil, sa hangaring mahikayat sila na si Jesus ang Cristo.
Mormon 5:15
Tutulungan ng Aklat ni Mormon ang mga Lamanita na maniwala sa ebanghelyo, na darating mula sa mga Gentil; bago sa paglabas nito, sila ay mapapasa marumi at nakaririmarim na kalagayan.
Mormon 5:16
Ang Espiritu ay lumisan mula sa mga Lamanita.
Mormon 5:17–18
Ang mga Lamanita ay minsan nang naging mga kaaya-ayang mga tao, subalit ngayon ay itinanikala ni Satanas.
Mormon 5:19–21
Inilalaan ng Panginoon ang kanyang mga pagpapala sa mga Gentil, kung saan ang ebanghelyo ay muling maihahayag.
Mormon 5:22–23
Ang mga Gentil din ay kinakailangang kumilala at maging maalam sa kapangyarihan ng Diyos.
Mormon 5:24
Magsisi, o harapin ang mga kahihinatnan.

Ang Mensahe ni Mormon sa mga Susunod na Angkan ng mga Lamanita

Mormon 7:1
Si Mormon ay nagsalita sa mga inapo ng mga Lamanita sa hinaharap, upang kanilang malaman ang kanilang pamana.
Mormon 7:2–4
Nararapat nilang malaman na sila ay bahagi ng Israel, sila ay kinakailangang magsisi upang maligtas, at kinakailangang mamuhay ng mapayapa.
Mormon 7:5
Si Jesukristo ang susi sa kanilang kaligtasan.
Mormon 7:6
Pinapangyari ni Jesus ang pagkabuhay na mag-uli, na magdadala sa paghuhukom.
Mormon 7:7
Tinubos ng panginoon ang sanlibutan, upang tayo ay maaaring tumayong walang kasalanan sa araw ng paghuhukom.
Mormon 7:8
Magsisi, mabinyagan, at yakapin ang ebanghelyo, at tanggaping pareho ang talaang ito, at ang talaan na magmumula sa mga hudyo.
Mormon 7:9
Ang Bibliya at ang Aklat ni Mormon ay isinulat upang parehong magtulungan.
Mormon 7:10
Ang pag-alala at ang paniniwala kay Cristo ay magdadala ng mga kaaya-ayang mga resulta sa araw ng paghuhukom.