Kaya nga, ako ay sumusulat sa inyo, mga Gentil, [i]3558[/i] at gayon din sa inyo, sambahayan ni Israel, kapag ang gawain ay nagsimula na, na kayo’y malapit nang ihanda na magbalik sa lupaing inyong mana; Oo, masdan, ako ay sumusulat sa lahat ng nasa mga dulo ng mundo; oo, sa inyo, labindalawang lipi ni Israel, na hahatulan alinsunod sa inyong mga gawa ng labindalawang pinili ni Jesus na maging mga disipulo niya sa lupain ng Jerusalem. At ako ay sumusulat din sa labi ng mga taong ito, na hahatulan din ng labindalawang pinili ni Jesus sa lupaing ito; at sila’y hahatulan din ng iba pang labindalawang pinili ni Jesus sa lupain ng Jerusalem.