Pinaikli ni Mormon ang Mga Talaan ng Mga Nephita

Ang Kadakilaan ng Diyos

Helaman 12:7–8

Ang sangkatauhan ay walang kabuluhan—kahit ang mga alabok ay sumusunod sa Diyos, subalit hindi ang tao.

O kaylaki ng kawalang-kabuluhan ng mga anak ng tao; oo, maging sila ay hindi nakahihigit kaysa sa alabok ng lupa. Sapagkat masdan, ang alabok ng lupa ay gumagalaw dito at doon, hanggang sa mahati sa dalawa, sa utos ng ating dakila at Diyos na walang hanggan.

Helaman 12:9–13

Ang Diyos ay makapangyarihan sa lahat, at pinakikilos niya ang mga elemento.

Oo, masdan sa kanyang tinig
ang mga burol at ang mga bundok ay nauuga at nayayanig.

At sa kapangyarihan ng kanyang tinig ang mga ito ay nadudurog,
at napapatag, oo, maging tulad ng isang lambak.

Oo, sa kapangyarihan ng kanyang tinig ang buong mundo ay nayayanig;

Oo, sa kapangyarihan ng kanyang tinig,
ang mga saligan ay umuuga, maging sa pinakagitna.

Oo, at kung sasabihin niya sa mundo—Gumalaw—ito ay gagalaw.

Helaman 12:14–17

Kayang utusan ng Panginoon ang lupa na umikot sa mga ilog, at ang mga dagat na matuyo, at magagawang utusan ang mga bundok na kumilos.

At masdan, kung ang tao ay magkukubli ng kayamanan sa lupa, at sasabihin ng Panginoon—

Sumpain ito,
dahil sa kasamaan niya
na nagkubli nito—

masdan, ito ay masusumpa. At kung sasabihin ng Panginoon—

Sumpain ito,
upang walang sinumang tao ang makatatagpo nito
magmula ngayon at magpakailanman—

masdan, walang taong makakukuha nito magmula ngayon at magpakailanman.

Helaman 12:18–19

Magagawang sumpain ng Panginoon ang mga pagmamay-ari ng mga tao, at gawin silang hindi matatagpuan.

At masdan, kung ang tao ay magkukubli ng kayamanan sa lupa, at sasabihin ng Panginoon—

Sumpain ito,
dahil sa kasamaan niya
na nagkubli nito—

masdan, ito ay masusumpa. At kung sasabihin ng Panginoon—

Sumpain ito,
upang walang sinumang tao ang makatatagpo nito
magmula ngayon at magpakailanman—

masdan, walang taong makakukuha nito magmula ngayon at magpakailanman.

Helaman 12:20–22

Magagawang sumpain ng Panginoon ang mga tao, at itakwil sila mula sa kanyang harapan.

At masdan, kung sasabihin ng Panginoon sa isang tao—

Dahil sa iyong mga kasamaan,
sumpain ka magpakailanman—

Ito ay magaganap. At kung sasabihin ng Panginoon—

Dahil sa iyong mga kasamaan
ay itatakwil ka mula sa aking harapan—

Gagawin niya na ito’y magkagayon nga. At sa aba niya kung kanino niya sasabihin ito, sapagkat ito ang mangyayari sa kanya na gagawa ng kasamaan, at hindi siya maaaring maligtas; samakatwid, dahil dito, upang ang tao ay maligtas, ay ipinahayag ang pagsisisi.

Helaman 12:23–24

Ang mga nagsisisi ay pinagpapala at pinagkakalooban ng biyaya.

Samakatwid, pinagpala sila na magsisisi at makikinig sa tinig ng Panginoon nilang Diyos; sapagkat sila ang mga yaong maliligtas. At nawa’y ipagkaloob ng Diyos, sa kanyang dakilang kabanalan, na ang mga tao ay madala sa pagsisisi at mabubuting gawa, upang sila ay mapanumbalik nang biyaya sa biyaya, alinsunod sa kanilang mga gawa.

Helaman 12:25

Si Mormon ay umaasa na ang lahat ng tao ay maligtas, subalit nalalaman na ang iba ay hindi.

At nais ko na ang lahat ng tao ay maligtas. Subalit nabasa natin na sa dakila at huling araw na may ilang itatakwil, oo, mga itatakwil mula sa harapan ng Panginoon;

Helaman 12:26

Ang mga masasama ay walang katapusang magiging miserable, bilang pagtupad sa propesiya.

Oo, na itatadhana sa kalagayan ng walang hanggang pagdurusa, tinutupad ang mga salitang nagsasabi:

Sila na gumawa ng kabutihan ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan;
at sila na gumawa ng kasamaan ay magkakaroon ng walang hanggang kapahamakan.
At gayon nga ito. Amen.