At masdan, kung sasabihin ng Panginoon sa isang tao—
Dahil sa iyong mga kasamaan,
_sumpain ka magpakailanman—
Ito ay magaganap. At kung sasabihin ng Panginoon—
Dahil sa iyong mga kasamaan
_ay itatakwil ka mula sa aking harapan—
Gagawin niya na ito’y magkagayon nga. At sa aba niya kung kanino niya sasabihin ito, sapagkat ito ang mangyayari sa kanya na gagawa ng kasamaan, at hindi siya maaaring maligtas; samakatwid, dahil dito, upang ang tao ay maligtas, ay ipinahayag ang pagsisisi.