Mga Salita ni Mormon 7–8

At gagawin ko ito para sa isang matalinong layunin; sapagkat ganito ang bulong sa akin, alinsunod sa mga pamamatnubay ng Espiritu ng Panginoon na nasa akin. At ngayon, hindi ko nalalaman ang lahat ng bagay; subalit nalalaman ng Panginoon ang lahat ng bagay na darating; anupa’t pinapatnubayan niya ako na gumawa alinsunod sa kanyang kalooban. At ang panalangin ko sa Diyos ay hinggil sa aking mga kapatid, na muli silang makarating sa kaalaman ng Diyos, oo, ang pagtubos ni Cristo; na muli silang maging mga kaaya-ayang tao.

From section: Ang Pagpapaikli at Pagtitipon ni Mormon sa mga Sinaunang Kasaysayan ng mga Tao ni Lehi

From page: Pinaikli ni Mormon ang Mga Talaan ng Mga Nephita

Commentary