Dahil dito, pinili ko ang mga bagay na ito, upang tapusin ang aking talaan tungkol sa kanila, kung aling nalalabi sa aking mga talaan ay hahanguin ko mula sa mga lamina ni Nephi; at hindi ko kayang isulat ang ika-isandaang bahagi man lamang ng mga bagay ng aking mga tao. Subalit masdan, kukunin ko ang mga laminang ito, na naglalaman ng mga pagpopropesiyang ito at mga paghahayag, at isasama ang mga ito sa mga labi ng aking talaan, sapagkat mahahalaga ang mga ito sa akin; at nalalaman kong magiging mahalaga ang mga ito sa aking mga kapatid. [i]1978[/i]