3 Nephi 29:1–3

At ngayon, masdan, sinasabi ko sa inyo na kung kailan mamarapatin ng Panginoon, sa kanyang karunungan, na ang mga salitang ito ay maipahayag sa mga Gentil alinsunod sa kanyang salita, doon ninyo malalaman na ang tipang ginawa ng Ama sa mga anak ni Israel, hinggil sa kanilang pagbabalik sa mga lupaing kanilang mana, ay nagsisimula nang matupad. At malalaman ninyo na ang mga salita ng Panginoon, na winika ng mga banal na propeta, ay matutupad na lahat; at hindi na ninyo kinakailangang sabihin na inaantala ng Panginoon ang kanyang pagparito sa mga anak ni Israel. At hindi ninyo kinakailangan na akalain sa inyong mga puso na ang mga salitang winika ay mga walang saysay, sapagkat masdan, aalalahanin ng Panginoon ang tipang ginawa niya sa kanyang mga tao na sambahayan ni Israel.

From section: Mga Tala ni Mormon Hinggil sa Pagdating ng Kanyang Talaan

From page: Pinaikli ni Mormon ang Mga Talaan ng Mga Nephita

Commentary