Pinaikli ni Mormon ang Mga Talaan ng Mga Nephita

Ang Paliwanag ni Mormon sa legal at sistemang pananalapi ng mga Nephita

Alma 11:1

Nang kanyang pinaiikli ang tala sa mga misyon ni Alma sa Ammonihas, Ipinaliwanag ni Mormon sistemang pambatas sa ilalim ng batas ni Mosias.

Ngayon nasa batas ni Mosias na bawat tao na isang hukom ng batas, o yaong mga nahirang na maging mga hukom, ay dapat tumanggap ng kabayaran alinsunod sa panahon na kanilang ipinagpagal sa paghahatol doon sa mga yaong dinala sa harapan nila upang hatulan.

Alma 11:2

Ang mga Nephita ay mayroong sistemang ligal na umiiral.

Ngayon, kung ang isang tao ay may utang sa isa, at ayaw niyang bayaran ang kanyang inutang, siya ay isasakdal sa hukom; at pinaiiral ng hukom ang karapatan, at nagsusugo ng mga pinuno upang ang tao ay dalhin sa harapan niya; at hahatulan niya ang tao alinsunod sa batas at sa mga katibayang dinala laban sa kanya, at sa gayon ang tao ay mapipilitang magbayad ng kanyang inutang, o hubaran, o palayasin sa mga tao na tulad ng isang magnanakaw at isang tulisan.

Alma 11:3

Ang mga hukom ay binabayaran sa mga bilang ng oras na kanilang trinabaho: Isang senine bawat araw, na katumbas ng isang senum ng pilak.

At ang hukom ay tatanggap ng kanyang kabayaran alinsunod sa kanyang panahon — isang senine ng ginto para sa isang araw, o isang senum ng pilak, na katumbas ng isang senine ng ginto; at ito ay alinsunod sa batas na ibinigay.

Alma 11:4

Ang mga Nephita ay lumikha ng kanilang sariling sistema sa pananalapi.

Ngayon, ito ang mga katawagan ng iba’t ibang piraso ng kanilang ginto, at ng kanilang pilak, alinsunod sa halaga nito. At ang mga katawagan ay ibinigay ng mga Nephita, sapagkat hindi nila kinuwenta ito alinsunod sa pamamaraan ng mga Judio na nasa Jerusalem; ni nagsusukat sila alinsunod sa pamamaraan ng mga Judio, kundi kanilang binago ang kanilang pagkuwenta at pagsukat, alinsunod sa mga isip at sa mga pangyayari sa mga tao, sa bawat salinlahi hanggang sa panunungkulan ng mga hukom, ang mga yaon ang itinakda ni haring Mosias.

Alma 11:5–6

Ang mga bahagi ng kanilang systema sa pananalapi ay kinabibilangan ng mga sukat ng ginto at pilak. Ang mga sukat ng ginto ay may mga pangalan na: senine, seon, shum, at limnas. Ang mga bahagi ng pilak naman ay: senum, amnor, ezrom, at onti.

Ngayon, ang pagkuwenta ay ganito—Isang senine ng ginto, isang seon ng ginto, isang shum ng ginto, at isang limnas ng ginto. Isang senum ng pilak, isang amnor ng pilak, isang ezrom ng pilak, at isang onti ng pilak.

Alma 11:7–19

Ang halaga ng bawat yunit ayon sa kanilang pagkakaugnay-ugnay ay ang mga sumusunod:
Ginto Pilak Butil
lea = ⅛ panukat
siblum = ¼ panukat
Shiblon = ½ panukat
senine = senum = 1 panukat
antion = 1½ panukat
seon = Amnor = 2 panukat
shum = ezrom = 4 panukat
limnah = onti = 7 panukat

Ang isang senum ng pilak ay katumbas ng isang senine ng ginto, at alinman sa dalawa para sa isang sukat ng cebada at, gayundin para sa isang sukat ng bawat uri ng butil.

Ngayon, ang halaga ng isang seon ng ginto ay dalawang ulit ng halaga ng isang senine.
At ang isang shum ng ginto ay dalawang ulit sa halaga ng isang seon.
At ang isang limnas ng ginto ay halaga nilang lahat.
At ang isang amnor ng pilak ay kasinghalaga ng dalawang senum.
At ang isang ezrom ng pilak ay kasinghalaga ng apat na senum.
At ang isang onti ay kasinghalaga nilang lahat.

Ngayon, ito ang halaga ng mas maliit na bilang ng kanilang pagkuwenta—

Ang isang siblon ay kalahati ng isang senum;
anupa’t ang isang siblon para sa kalahati ng sukat ng cebada.

At ang isang siblum ay kalahati ng isang siblon.
At ang isang lea ay kalahati ng isang siblum.

Ngayon, ito ang kanilang bilang alinsunod sa kanilang pagkuwenta.

Ngayon, ang isang antion ng ginto ay katumbas ng tatlong siblon.