Ang isang senum ng pilak ay katumbas ng isang senine ng ginto, at alinman sa dalawa para sa isang sukat ng cebada at, gayundin para sa isang sukat ng bawat uri ng butil.
Ngayon, ang halaga ng isang seon ng ginto ay dalawang ulit ng halaga ng isang senine.
_At ang isang shum ng ginto ay dalawang ulit sa halaga ng isang seon.
_At ang isang limnas ng ginto ay halaga nilang lahat.
_At ang isang amnor ng pilak ay kasinghalaga ng dalawang senum.
_At ang isang ezrom ng pilak ay kasinghalaga ng apat na senum.
_At ang isang onti ay kasinghalaga nilang lahat.
Ngayon, ito ang halaga ng mas maliit na bilang ng kanilang pagkuwenta—
Ang isang siblon ay kalahati ng isang senum;
_anupa’t ang isang siblon para sa kalahati ng sukat ng cebada.
At ang isang siblum ay kalahati ng isang siblon.
_At ang isang lea ay kalahati ng isang siblum.
Ngayon, ito ang kanilang bilang alinsunod sa kanilang pagkuwenta.
Ngayon, ang isang antion ng ginto ay katumbas ng tatlong siblon.