At ito ay nangyari na, na ang hari ay nagpadala ng pahayag sa lahat ng dako ng lupain, sa lahat ng kanyang tao na nasa buong lupain niya, na nasa lahat ng lugar na nakapalibot, na humahanggan maging sa dagat, sa silangan at sa kanluran, at nahahati mula sa lupain ng Zarahemla ng isang makitid na ilang, na ang kahabaan ay mula sa silangang dagat maging hanggang sa kanlurang dagat, at sa palibot ng mga hangganan ng dalampasigan, at sa mga hangganan ng ilang na nasa hilaga ng lupain ng Zarahemla, hanggang sa mga hangganan ng Manti, sa may unahan ng ilog Sidon, dumadaloy mula sa silangan patungo sa kanluran—at sa gayon ang mga Lamanita at ang mga Nephita ay nahahati.
Ngayon, ang higit na mga tamad na bahagi ng mga Lamanita ay naninirahan sa ilang, at sila ay namamalagi sa mga tolda; at sila ay nakakalat sa ilang sa may kanluran, sa lupain ng Nephi; oo, at gayon din sa kanluran ng lupain ng Zarahemla, sa mga hangganan ng dalampasigan, at sa may kanluran ng lupain ng Nephi, sa lugar ng unang mana ng kanilang mga ama, at sa gayon humahanggan sa may malapit sa dalampasigan. At gayon din maraming Lamanita sa may silangan ng dalampasigan, kung saan sila naitaboy ng mga Nephita.
At sa gayon ang mga Nephita ay halos mapalibutan ng mga Lamanita; gayon pa man, naangkin ng mga Nephita ang lahat ng hilagang bahagi ng lupaing humahanggan sa ilang, sa unahan ng ilog Sidon, mula sa silangan hanggang sa kanluran, sa palibot ng gilid ng ilang; sa hilaga, maging hanggang sa makarating sila sa lupain na tinatawag nilang Masagana.
At ito ay humahanggan sa lupain na tinawag nilang Kapanglawan, ito na napakalayong pahilaga na umaabot sa lupaing pinanirahan ng mga tao at nalipol, kung kaninong mga buto ay sinabi namin, na natuklasan ng mga tao ni Zarahemla, ito na lugar ng kanilang unang pagdating.
At nagmula sila roon patungo sa timog ilang. Sa gayon ang lupain pahilaga ay tinatawag na Kapanglawan, at ang lupain patimog ay tinatawag na Masagana, ito na isang ilang na puno ng lahat ng uri ng mababangis na hayop ng bawat uri, ilang bilang niyon ay nagmula sa lupaing pahilaga para sa pagkain.
At ngayon, ang layo nito ay isang araw at kalahati lamang ng paglalakbay para sa isang Nephita, sa hangganan ng Masagana at lupain ng Kapanglawan, mula sa silangan hanggang sa kanlurang dagat; at sa gayon ang lupain ng Nephi at ang lupain ng Zarahemla ay halos mapalibutan ng tubig, doon na may isang maliit na bahagi ng lupa sa pagitan ng lupaing pahilaga at ng lupaing patimog.
At ito ay nangyari na, na pinanirahan ng mga Nephita ang lupaing Masagana, maging mula sa silangan hanggang sa kanlurang dagat, at sa gayon ang mga Nephita sa kanilang karunungan, sa pamamagitan ng kanilang mga bantay at kanilang mga hukbo, ay naharangan ang mga Lamanita sa timog, upang hindi na nila maangkin pa ang hilaga, upang hindi nila maangkin pa ang lupaing pahilaga. Anupa’t ang mga Lamanita ay wala nang maaangkin pa maliban sa lupain ng Nephi, at ang ilang sa palibot. Ngayon, ito ang karunungan ng mga Nephita—sapagkat ang mga Lamanita ay kanilang mga kaaway, hindi nila pahihintulutang sila ay magdusa sa lahat ng paraan, at gayon din, upang magkaroon sila ng isang bansa kung saan sila makatatakbo, alinsunod sa kanilang kagustuhan.
At ngayon ako, matapos sabihin ito, ay muling magbabalik sa ulat nina Ammon at Aaron, Omner at Himni, at kanilang mga kapatid.