Alma 22:28–29

Ngayon, ang higit na mga tamad na bahagi ng mga Lamanita ay naninirahan sa ilang, at sila ay namamalagi sa mga tolda; at sila ay nakakalat sa ilang sa may kanluran, sa lupain ng Nephi; oo, at gayon din sa kanluran ng lupain ng Zarahemla, sa mga hangganan ng dalampasigan, at sa may kanluran ng lupain ng Nephi, sa lugar ng unang mana ng kanilang mga ama, at sa gayon humahanggan sa may malapit sa dalampasigan. At gayon din maraming Lamanita sa may silangan ng dalampasigan, kung saan sila naitaboy ng mga Nephita.

From section: Ang Paglalarawan ni Mormon sa Heograpiya ng mga Nephita at mga Lamanita

From page: Pinaikli ni Mormon ang Mga Talaan ng Mga Nephita

Commentary