Mormon 5:17–18

Minsan silang naging mga kaaya-ayang tao,
_at tinanggap nila si Cristo na kanilang pastol;
_oo, sila ay pinamunuan maging ng Diyos Ama.

Subalit ngayon, masdan, sila ay inakay ni Satanas,
_maging tulad ng ipang itinataboy ng hangin,
_o tulad ng isang sasakyang-dagat na hinahampas ng mga alon,
_nang walang layag o angkla,
_o walang anumang bagay kung paano ito pakikilusin;
_at maging tulad nito, sila ay gayon din.

From section: Ang Propesiya ni Mormon Hinggil sa mga Lamanita at mga Hentil

From page: Pinaikli ni Mormon ang Mga Talaan ng Mga Nephita

Commentary