At ngayon, masdan, isinulat namin ang talaang ito alinsunod sa aming kaalaman, sa mga titik na aming tinatawag na binagong wikang Egipto, [i]1236[/i] na ipinasa at aming binago, alinsunod sa paraan ng aming pagsasalita. At kung ang aming mga lamina ay naging sapat ang laki ay isinulat sana namin ito sa Hebreo; ngunit binago rin namin ang Hebreo; at kung kami ay sumulat sa Hebreo, masdan, kayo ay hindi makakikita ng kahinaan sa aming talaan. Ngunit nalalaman ng Panginoon ang mga bagay na aming naisulat; at gayundin, walang ibang mga taong nakaaalam ng aming wika; at sapagkat walang ibang taong nakaaalam ng aming wika, kaya nga, siya ay naghanda ng mga paraan sa pagpapaliwanag ng mga yaon.