3 Nephi 28:30–32

At sila ay tulad ng mga anghel ng Diyos, at kung sila ay mananalangin sa Ama sa pangalan ni Jesus ay maaari nilang ipakita ang kanilang sarili sa kanino mang tao kung inaakala nilang makabubuti. Anupa’t dakila at mga kagila-gilalas na gawa ang gagawin nila, bago ang dakila at darating na araw kung kailan ang lahat ng tao ay tiyak na tatayo sa harapan ng hukumang-luklukan ni Cristo; Oo, maging sa mga Gentil ay magkakaroon ng isang dakila at kagila-gilalas na gawa na kanilang gagawin, bago ang araw ng paghuhukom.

From section: Mga Saloobin ni Mormon Habang Kanyang Tinatapos ang Kasaysayan ng Ministeryo ni Kristo

From page: Pinaikli ni Mormon ang Mga Talaan ng Mga Nephita

Commentary