Alamin ninyo na kayo ay mula sa sambahayan ni Israel.
_Alamin ninyo na kinakailangan kayong magsisi, o hindi kayo maliligtas.
Alamin ninyo na kinakailangan ninyong isuko ang inyong mga sandata ng digmaan, at huwag nang malugod pa sa pagpapadanak ng dugo, at huwag na ninyong muling kunin ang mga ito, maliban kung ipag-uutos ng Diyos sa inyo.