3 Nephi 5:7–8

At sa gayon lumipas ang ikadalawampu at dalawang taon, at ang ikadalawampu at tatlong taon din, at ang ikadalawampu at apat, at ang ikadalawampu at lima; at sa gayon lumipas ang ikadalawampu at limang taon. At maraming bagay ang nangyari, na sa paningin ng ilan, ay dakila at kagila-gilalas; gayon pa man, ang mga ito ay hindi maaaring isulat na lahat sa aklat na ito; oo, ang aklat na ito ay hindi maaaring maglaman ng kahit na ika-isandaang bahagi ng nagawa sa napakaraming tao sa loob ng dalawampu at limang taon;

From section: Ang Editoryal ni Mormon Hinggil sa Kanyang Katawagan at Gawain

From page: Pinaikli ni Mormon ang Mga Talaan ng Mga Nephita

Commentary