Mormon 9:28–29

Maging matalino sa mga araw ng inyong pagsubok;
_hubaran ang inyong sarili ng lahat ng karumihan;
_huwag humingi upang ubusin lamang sa inyong pagnanasa,
_kundi humingi nang may katatagang di matitinag,
_upang hindi kayo sumuko sa tukso,
_kundi kayo ay maglingkod sa tunay at buhay na Diyos.

Tiyaking kayo ay hindi nabinyagan nang hindi karapat-dapat;
_tiyaking kayo ay hindi makikibahagi sa sakramento ni Cristo nang hindi karapat-dapat;
_kundi tiyaking inyong ginagawa ang lahat ng bagay nang karapat-dapat;
_at gawin ito sa pangalan ni Jesucristo,
__na Anak ng Diyos na buhay;

At kung gagawin ninyo ito, at magtitiis hanggang wakas,
_walang dahilan upang kayo ay itakwil.

From section: Ang Paanyaya ni Moroni na Maniwala

From page: Tinapos ni Moroni ang Aklat ni Mormon

Commentary