Eter 1:4–5

Kaya nga hindi ko isusulat ang mga bagay na yaon na naganap mula noong mga araw ni Adan hanggang sa panahong yaon; sapagkat ang mga ito ay nasa mga lamina; at kung sinuman ang makakikita sa mga yaon, siya rin ang magkakaroon ng kapangyarihang makuha niya ang buong ulat. Subalit masdan, hindi ko ibibigay ang buong ulat, kundi isang bahagi ng ulat ang ibibigay ko, mula sa tore pababa hanggang sa sila ay malipol. At sa ganitong paraan ko ibibigay ang ulat.

From section: Ang Pagsasalin at Pagpapaikli sa mga Talaan ni Eter

From page: Tinapos ni Moroni ang Aklat ni Mormon

Commentary