Moroni 4:1–3

Ang pamamaraan ng kanilang mga elder at saserdote sa pangangasiwa ng laman at dugo ni Cristo sa simbahan; [i]1987[/i] at kanilang pinangasiwaan ito alinsunod sa mga kautusan ni Cristo; kaya nga, alam namin na ang pamamaraan ay totoo; at ang elder o saserdote ang nagsilbi niyon. At sila ay lumuhod kasama ng simbahan, at nanalangin sa Ama sa pangalan ni Cristo, sinasabing:

O Diyos, ang Amang Walang Hanggan, kami ay humihiling sa inyo
_sa pangalan ng inyong Anak, na si Jesucristo,
Na basbasan at gawing banal ang tinapay na ito [i]3585[/i]
_sa mga kaluluwa ng lahat nilang kakain nito;
Nang sila ay makakain bilang pag-alaala
_sa katawan ng inyong Anak,
_at patunayan sa inyo,
_O Diyos, ang Amang Walang Hanggan,
Na sila ay pumapayag na
__taglayin sa kanilang sarili ang pangalan ng inyong Anak,
__at lagi siyang aalalahanin,
__at susundin ang kanyang mga kautusan
___na ibinigay niya sa kanila,
Nang sa tuwina ay mapasakanila ang kanyang Espiritu upang makasama nila.
Amen.

From section: Mga Lohistiko ng mga Rituwal, Ordinansa, at Pamamaraan ng Simbahan

From page: Tinapos ni Moroni ang Aklat ni Mormon

Commentary