Tinapos ni Moroni ang Aklat ni Mormon

Mga Saloobin ni Moroni sa Bagong Jerusalem

Eter 13:1–3

Habang si Moroni ay sumusulat tungkol sa pagtanggi sa propetang Ether, muli niyang binanggit ang mga kalagayan ng lupang pangako, at binanggit na ang "Bagong Jerusalem" ay itatayo rito.

At ngayon ako, si Moroni, ay magpapatuloy na tapusin ang aking talaan hinggil sa pagkalipol ng mga taong siya kong isinusulat.

Sapagkat masdan, tinanggihan nila ang lahat ng salita ni Eter; sapagkat tunay niyang sinabi sa kanila ang lahat ng bagay mula sa simula ng tao; at na matapos bumaba ang tubig mula sa ibabaw ng lupaing ito ay naging isa itong piling lupain sa lahat ng iba pang lupain, isang piling lupain ng Panginoon; kaya nga, nais ng Panginoon na siya ay pagsilbihan ng lahat ng taong maninirahan dito;

At nga ito ang lugar ng Bagong Jerusalem, na bababa mula sa langit, at ang banal na santuwaryo ng Panginoon.

Eter 13:4–6

Nakita ni Ether ang mga araw ni Cristo, ang pagtatayong muli ng Lumang Jerusalem, at ang pagtatatag ng Bagong Jerusalem.

Masdan, nakita ni Eter ang ang mga araw ni Cristo, at siya ay nangusap hinggil sa isang Bagong Jerusalem sa lupaing ito.

At siya ay nangusap din hinggil sa sambahayan ni Israel, at sa Jerusalem kung saan nagmula si Lehi—matapos itong mawasak ay muli itong itatayo, isang banal na lunsod sa Panginoon; kaya nga, hindi ito maaaring maging bagong Jerusalem sapagkat ito ay naroon noon unang panahon; kundi muli itong itatayo, at magging isang banal na lunsod ng Panginoon; at itatayo ito sa sambahayan ni Israel—

At na isang Bagong Jerusalem ang itatayo sa lupaing ito, sa mga labi ng mga binhi ni Jose, kung aling mga bagay ay may kahalintulad.

Eter 13:7

Ang Panginoon ay magiging maawain sa mga nalalabi sa mga binhi ni Jose.

Sapagkat tulad ng pagdadala ni Jose sa kanyang ama sa lupain ng Egipto, maging sa roon na siya namatay; kaya nga, dinala ng Panginoon ang isang labi ng mga binhi ni Jose sa labas ng lupain ng Jerusalem, upang siya ay maging maawain sa mga binhi ni Jose nang hindi sila mangasawi, maging tulad ng pagkaawa niya sa ama ni Jose upang hindi siya masawi.

Eter 13:8–10

Ang sambahayan ni Joseph ang mga magiging tagapagmana ng Bagong Jerusalem, na mapupunan ng lipunan ng Sion na mga tagasunod ni Cristo.

Samakatwid, ang labi ng sambahayan ni Jose ay babangon sa lupaing ito; at ito ay magiging lupaing kanilang mana; at sila ay magtatayo ng isang banal na lunsod sa Panginoon, tulad ng Jerusalem noong sinauna; at hindi na sila muli pang malilito, hanggang sa dumating ang katapusan kapag ang mundo ay lilipas na.

At magkakaroon ng bagong langit at bagong lupa; at matutulad ang mga ito sa sinauna maliban sa lilipas ang sinauna, at ang lahat ng bagay ay magiging bago.

At pagkatapos ang Bagong Jerusalem ay matatatag; at pinagpala sila na naninirahan doon, sapagkat sila ang yaong mapuputi ang kasuotan sa pamamagitan ng dugo ng Kordero; at sila ang mga yaong nabibilang sa mga binhi ni Jose, na sambahayan ni Israel.

Eter 13:11–13

Sila na nasa Lumang Jerusalem ay pagpapalain din, tatanggapin si Cristo, at makikibahagi sa tipan kasama si Cristo.

At pagkatapos ang Jerusalem noong sinauna ay matatatag din; at ang mga naninirahan doon, pinagpala sila, sapagkat sila ay hinugasan sa dugo ng Kordero; at sila ang yaong ikinalat at tinipon mula sa apat na sulok ng mundo, at mula sa mga bansa sa hilaga, at mga kabahagi sa katuparan ng tipang ginawa ng Diyos sa kanilang amang si Abraham. At kapag nangyari na ang mga bagay na ito, ay isinasakatuparan ang banal na kasulatan na nagsabi:

Sila ang mga yaong nauna, na mga mahuhuli;
at naroon silang mga nahuli, na mga mauuna.

At ako sana ay susulat pa, subalit ako ay pinagbawalan.