At pagkatapos ang Jerusalem noong sinauna ay matatatag din; [i]3504[/i] at ang mga naninirahan doon, pinagpala sila, sapagkat sila ay hinugasan sa dugo ng Kordero; at sila ang yaong ikinalat at tinipon mula sa apat na sulok ng mundo, at mula sa mga bansa sa hilaga, at mga kabahagi sa katuparan ng tipang ginawa ng Diyos sa kanilang amang si Abraham. At kapag nangyari na ang mga bagay na ito, ay isinasakatuparan ang banal na kasulatan na nagsabi:
Sila ang mga yaong nauna, na mga mahuhuli;
_at naroon silang mga nahuli, na mga mauuna.
At ako sana ay susulat pa, subalit ako ay pinagbawalan.