Ang Talinghaga ng Puno ng Olibo

Ang Pagbuti ng Puno ng Olibo

Jacob 5:15–16

Sa isang mahabang sandali, ang panginoon at ang tagapag-silbi ay bumalik at sinuri ang puno.

At ito ay nangyari na, na lumipas ang mahabang panahon, at sinabi ng Panginoon ng olibohan sa kanyang tagapagsilbi:

Halina, bumaba tayo sa olibohan, upang makagawa sa olibohan. At ito ay nangyari na, na ang Panginoon ng olibohan, at gayon din ang tagapagsilbi, ay bumaba sa olibohan upang gumawa.

Jacob 5:16–17

Ang puno na kung saan hinugpungan nila ng mga ligaw na sanga ay nagsimulang mamunga ng mga maiinam na bunga.

At ito ay nangyari na, na sinabi ng tagapagsilbi sa kanyang panginoon:

Masdan, tumingin dito; masdan ang puno.

At ito ay nangyari na, na ang Panginoon ng olibohan ay tumingin at namasdan ang puno kung saan inihugpong ang mga ligaw na sanga ng olibo; at tumubo ito at nagsimulang mamunga. At namasdan niyang mainam ito; at ang bunga niyon ay tulad ng likas na bunga.

Jacob 5:18

Ipinaliwanag ng panginoon na ang tagumpay ay dahil sa ang mga ligaw na sanga ay kumukuha ng halumigmig mula sa mga ugat.

At sinabi niya sa tagapagsilbi:

Masdan, nakakuha ang mga sanga ng ligaw na puno ng halumigmig sa ugat niyon, na nakapagbigay-lakas sa ugat niyon; at dahil sa labis na lakas ng ugat niyon, ang mga ligaw na sanga ay namunga ng likas na bunga.

Ngayon, kung hindi natin inihugpong ang mga sangang ito, ang punong yaon ay natuyot na sana. At ngayon, masdan, makapag-iimbak ako ng maraming bunga, na ibinunga ng punong yaon; at ang bunga niyon ay iiimbak ko para sa darating na panahon, para sa aking sarili.

Jacob 5:19

Ang panginoon at ang tagapag-silbi ay humayo upang tingnan ang mga murang sanga na ipinungos sa lahat ng dako ng ubasan.

At ito ay nangyari na, na sinabi ng Panginoon ng olibohan sa tagapagsilbi:

Halina, magtungo tayo sa pinakamalayong dako ng olibohan, at masdan kung hindi rin namunga nang marami ang mga likas na sanga, upang makapag-imbak ako ng mga bunga niyon para sa darating na panahon, para sa aking sarili.

Jacob 5:20

Ang mga murang sanga na ipinungos sa ibang mga puno ay namunga; ang panginoon ay nagtagubilin sa kanyang tagapag-silbi na humayo at magtanim ng mga binhi ng bunga.

At ito ay nangyari na, na nagtungo sila sa kung saan itinago ng panginoon ang mga likas na sanga ng puno, at sinabi niya sa tagapagsilbi:

Masdan ang mga ito;

at namasdan niya ang una na namunga ito nang marami; at kanya ring namasdan na mainam ito. At sinabi niya sa tagapagsilbi:

Kunin ang mga bunga niyon, at iimbak ito para sa darating na panahon, upang ito ay aking maiimbak para sa aking sarili; sapagkat masdan, sinabi niya, inalagaan ko ito sa mahabang panahon, at namunga ito nang marami.

Jacob 5:21

Ang tagapagsilbi ay nagtanong na bakit ang panginoon ay nagnanais na magtanim sa mga tigang na lupa.

At ito ay nangyari na, na sinabi ng tagapagsilbi sa kanyang panginoon:

Bakit kayo nagtungo rito upang itanim ang punong ito, o ang sangang ito ng puno? Sapagkat masdan, ito ang pinakatigang na dako sa lahat ng lupain ng inyong olibohan.

Jacob 5:22

Siniguro ng panginoon sa kanyang tagapag-silbi na nalalaman niya kung ano ang kanyang ginagawa.

At sinabi sa kanya ng Panginoon ng olibohan:

Huwag mo akong payuhan; nalalaman ko na ito ay isang tigang na dako ng lupa; samakatwid, sinabi ko sa iyo, inalagaan ko ito sa mahabang panahon, at namasdan mong namunga ito nang marami.

Jacob 5:23

Ang panginoon ay nagtukoy ng isang puno na naging matagumpay sa kabila na ito ay nakatanim sa tigang na lupa.

At ito ay nangyari na, na sinabi ng Panginoon ng olibohan sa kanyang tagapagsilbi:

Tumingin dito; masdan, nagtanim ako ng isa pang sanga ng puno; at nalalaman mo na ang dakong ito ng lupa ay higit na tigang kaysa sa una. Subalit, masdan ang puno. Inalagaan ko ito sa mahabang panahon, at namunga ito nang marami; samakatwid, tipunin ito, at iimbak para sa darating na panahon, upang maiimbak ko ito para sa aking sarili.

Jacob 5:24

Ang panginoon ay tumukoy ng iba pang gayon ding puno.

At ito ay nangyari na, na muling sinabi ng Panginoon ng olibohan sa kanyang tagapagsilbi:

Tumingin dito, at masdan ang isa pa ring sanga, na aking itinanim; masdan, ito rin ay inalagaan ko, at namunga ito.

Jacob 5:25

Ang panginoon ay nagpakita ng ibang puno na naitanim sa mainam na lupa ngunit hindi nagbunga.

At sinabi niya sa tagapagsilbi:

Tumingin dito at masdan ang huli. Masdan, itinanim ko ito sa isang mainam na dako ng lupa; at inalagaan ko ito sa mahabang panahon, at isang bahagi lamang ng puno ang namunga ng likas na bunga, at ang ibang bahagi ng puno ay namunga ng ligaw na bunga; masdan, inalagaan ko ang punong ito na tulad ng iba.

Jacob 5:26

Sinabi ng panginoon sa tagapagsilbi na sunugin ang mga hindi namumungang mga sanga.

At ito ay nangyari na, na sinabi ng Panginoon ng olibohan sa tagapagsilbi:

Putulin ang mga sangang hindi namunga ng mabuting bunga,
at itapon ang mga ito sa apoy.

Jacob 5:27

Sinabi ng panginoon sa tagapag-silbi na samahan siya sa marami pang pagpupungos, pagbubungkal at pangangalaga, sa pag-asang ang puno ay mamumunga ng mabuting bunga.

Subalit masdan, sinabi ng tagapagsilbi sa kanya:

Pungusan natin ito, at bungkalin ang palibot nito, at alagaan ito ng kaunti pang panahon, na baka sakaling mamunga ito ng mabuting bunga para sa inyo, upang makapag-imbak kayo para sa darating na panahon.

Jacob 5:28

Ang panginoon at ang tagapag-silbi ay nagpagal sa lahat ng dako ng ubasan.

At ito ay nangyari na, na inalagaan ng Panginoon ng olibohan at ng tagapagsilbi ng Panginoon ng olibohan ang lahat ng bunga sa olibohan.