Ang Talinghaga ng Puno ng Olibo
- Jacob 5:1
- Ipinaliwanag ni Jacob na ang paghahalintulad ay sinipi mula sa mga sulat ng propetang nagngangalang Zenos, na sumulat sa mga laminang tanso.
- Jacob 5:2–3
- Ang sambahayan ni Israel ay inihalintulad sa tumatanda at nabubulok na puno ng olibo.
- Jacob 5:4–5
- Ang panginoon ng ubasan, napapansin ang pagkabulok, ay pinungusan ito at pinangalagaan ang puno ng olibo.
- Jacob 5:6
- Ang puno ay nagsimulang tubuan ng mga bagong maliliit na sanga, ngunit ang itaas ng puno ay nagsisimulang mamatay.
- Jacob 5:7–9
- Nagbilin ang panginoon sa kanyang tagapag-silbi na alisin ang mga nangamamatay na mga sanga, sunugin ang mga ito, alisin ang mga bagong usbong na mga murang sanga upang itanim sa kung saan man, at maghugpong ng mga sanga mula sa mga ligaw na puno ng olibo.
- Jacob 5:10
- Ginawa ng tagapag-silbi ang mga bilin.
- Jacob 5:11–13
- Ang panginoon ay nagsasabi sa kaniyang mga lingkod na bungkalin ang lupa, pungusan, at alagaan ang punungkahoy, at pagkatapos ay ihugpong ang mga maliliit na sanga na kanyang pinutol sa iba't-ibang mga lokasyon sa loob ng ubasan.
- Jacob 5:14
- Ginawa ng tagapag-silbi ang mga tagubilin.
- Jacob 5:15–16
- Sa isang mahabang sandali, ang panginoon at ang tagapag-silbi ay bumalik at sinuri ang puno.
- Jacob 5:16–17
- Ang puno na kung saan hinugpungan nila ng mga ligaw na sanga ay nagsimulang mamunga ng mga maiinam na bunga.
- Jacob 5:18
- Ipinaliwanag ng panginoon na ang tagumpay ay dahil sa ang mga ligaw na sanga ay kumukuha ng halumigmig mula sa mga ugat.
- Jacob 5:19
- Ang panginoon at ang tagapag-silbi ay humayo upang tingnan ang mga murang sanga na ipinungos sa lahat ng dako ng ubasan.
- Jacob 5:20
- Ang mga murang sanga na ipinungos sa ibang mga puno ay namunga; ang panginoon ay nagtagubilin sa kanyang tagapag-silbi na humayo at magtanim ng mga binhi ng bunga.
- Jacob 5:21
- Ang tagapagsilbi ay nagtanong na bakit ang panginoon ay nagnanais na magtanim sa mga tigang na lupa.
- Jacob 5:22
- Siniguro ng panginoon sa kanyang tagapag-silbi na nalalaman niya kung ano ang kanyang ginagawa.
- Jacob 5:23
- Ang panginoon ay nagtukoy ng isang puno na naging matagumpay sa kabila na ito ay nakatanim sa tigang na lupa.
- Jacob 5:24
- Ang panginoon ay tumukoy ng iba pang gayon ding puno.
- Jacob 5:25
- Ang panginoon ay nagpakita ng ibang puno na naitanim sa mainam na lupa ngunit hindi nagbunga.
- Jacob 5:26
- Sinabi ng panginoon sa tagapagsilbi na sunugin ang mga hindi namumungang mga sanga.
- Jacob 5:27
- Sinabi ng panginoon sa tagapag-silbi na samahan siya sa marami pang pagpupungos, pagbubungkal at pangangalaga, sa pag-asang ang puno ay mamumunga ng mabuting bunga.
- Jacob 5:28
- Ang panginoon at ang tagapag-silbi ay nagpagal sa lahat ng dako ng ubasan.
- Jacob 5:29
- Matapos ang mahabang panahon, ang panginoon at ang tagapag-silbi ay bumalik sa ubasan.
- Jacob 5:30
- Napansin nila na ang puno at mga ligaw na sanga na ipinungos dito ay nagbunga ng maraming bunga.
- Jacob 5:31–32
- Tinikman ng panginoon ang bunga, at sinabing ang lasa nito ay hindi mabuti.
- Jacob 5:33
- Ang panginoon ay nagisip na kung ano ang maaari niyang gawin upang papangyarihing ito ay magbunga ng mabuting bunga.
- Jacob 5:34
- Tinukoy ng tagapag-silbi na ang mga ligaw na sanga ay tumulong sa mga ugat.
- Jacob 5:35–37
- Sinabi ng panginoon na ang mabuting ugat ay walang silbi kung hindi ito lubos na makapagdudulot ng mabuting bunga.
- Jacob 5:38
- Iminungkahi ng panginoon na magtungo sa ibang mga bahagi ng ubasan upang subukan ang bunga.
- Jacob 5:39–40
- Natagpuan nila na ang buong olibohan ay nangabulok at nagbunga ng bungang hindi mabubuti ang lasa.
- Jacob 5:41–47
- Ang panginoon, tumangis ng labis, ay nag-iisip na kung ano pa ang kanyang maaaring gawin para sa kanyang olibohan, at nagdalamhati sa mga pagkabulok.
- Jacob 5:48
- Ipinagpalagay ng tagapag-silbi na ang dahilan ng kabulukan ay ang pagkakatugma sa pagitan ng ugat at mga sanga.
- Jacob 5:49
- Ang bagot na panginoon, na ngayon ay tinutukoy bilang Panginoon ng ubasan, ay nagmumungkahi na putulin na ang lahat ng mga puno at sunugin ang mga ito.
- Jacob 5:50
- Ang tagapagsilbi ay nagmungkahi na maghintay pa.
- Jacob 5:51–54
- Ang Panginoon ng olibohan ay sumangayon, at nagplano na kunin ang mga murang sanga at ihugpong ang mga ito pabalik sa puno kung saan sila kinuha, at kunin ang mga ligaw na sanga mula sa puno.
- Jacob 5:55–56
- Sila ay kumilos ng naayon sa plano, muling inihugpong ang mga sanga pabalik sa orihinal na puno.
- Jacob 5:57–59
- Sumunod sa paghuhugpong, ang Panginoon ng olibohan ay nagsabi sa tagapagsilbi na panatilihin ang mga ligaw na sanga, at tanggalin lamang ang mga lubhang masama.
- Jacob 5:60
- Ang Panginoon ng olibohan ay umaasa na makapagdadala ng bunga mula sa mga natural na mga sanga.
- Jacob 5:61–64
- Ang panginoon ng olibohan ay nagpatawag sa lahat ng kanyang mga tagapagsilbi na gumawa para sa kapakanan ng mga puno.
- Jacob 5:65–66
- Ang panginoon ng olibohan ay nagbilin sa kanyang mga tagapagsilbi na tanggalin ang mga ligaw na sanga ng paunti-unti.
- Jacob 5:67–69
- Ang mga natural na sanga ay magbabalik sa kanilang pinagmulan, at ang masasamang sanga ay susunugin.
- Jacob 5:70–71
- Ang mga tagapagsilbi ay nagsipaggawa na naaayon sa plano; ang Panginoon ng olibohan ay nagpapaalala sa kanila na wala nang panahong natitira pa.
- Jacob 5:72–74
- Ang plano ay matagumpay, ang mga natural na bunga ay nalikha mula sa mga natural na puno at ang mga ligaw na sanga ay unti unting tinanggal.
- Jacob 5:75
- Ang Panginoon ng olibohan ay pinuri ang kanyang mga tagapagsilbi habang sila ay naggagalak sa kanilang tagumpay.
- Jacob 5:76–77
- Ang Panginoon ng olibohan ay humula na ang masamang bunga ay muling lalaganap sa olibohan at sa oras na yaon ay titipunin nniya ag mabubuti at susunugin ang olibohan.
- Jacob 6:1–2
- Si Jacob, na tinatapos ang kanyang sipi, ay nagpaliwanag na ang talinhaga ng puno ng olibo ay naghahayag ng ikalawang pagtitipon ng Israel.
- Jacob 6:3–4
- Si Jacob ay pumuri sa mga yaong gumagawa kasama ng Panginoon, at pinuri ang awa ng Diyos.
- Jacob 6:5–6
- Inaanyayahan ni Jacob ang lahat na lumapit sa Diyos.
- Jacob 6:7–8
- Sinuri ni Jacob ang mga elemento ng talinhaga at nagpayo sa sangkatauhan na huwag tanggihan ang Diyos at magbunga ng mabuting bunga.
- Jacob 6:9–10
- Pinaalalahanan ni Jacob ang mga tao sa napipintong paghatol, at hinimok ang lahat na lumapit kay Cristo.
- Jacob 6:11–13
- Si Jacob ay nagbigay ng kanyang huling pangaral na pumasok sa pasukan na tungo sa buhay na walang-hanggang.