Ang Talinghaga ng Puno ng Olibo

Pangangalaga sa Nabubulok na Puno ng Olibo sa Pamamagitan ng Pagpuputol at Pagbubungkal.

Jacob 5:1

Ipinaliwanag ni Jacob na ang paghahalintulad ay sinipi mula sa mga sulat ng propetang nagngangalang Zenos, na sumulat sa mga laminang tanso.

Masdan, aking mga kapatid, hindi ba ninyo natatandaang nabasa ang mga salita ng propetang si Zenos, na kanyang sinabi sa sambahayan ni Israel, sinasabing:

Jacob 5:2–3

Ang sambahayan ni Israel ay inihalintulad sa tumatanda at nabubulok na puno ng olibo.

Makinig, O kayong sambahayan ni Israel, at pakinggan ang aking mga salita, isang propeta ng Panginoon. Sapagkat masdan, ganito ang wika ng Panginoon, ihahambing kita, O sambahayan ni Israel, tulad sa isang likas na punong olibo, na itinanim at inalagaan ng isang lalaki sa kanyang olibohan; at tumubo ito, at gumulang, at nagsimulang mabulok.

Jacob 5:4–5

Ang panginoon ng ubasan, napapansin ang pagkabulok, ay pinungusan ito at pinangalagaan ang puno ng olibo.

At ito ay nangyari na, na ang panginoon ng olibohan ay humayo, at nakita niyang ang kanyang punong olibo ay nagsimulang mabulok; at kanyang sinabi:

Aking pupungusin ito, at bubungkalin ang palibot nito, at aalagaan ito, na baka sakaling tubuan ito ng mga sariwa at murang sanga, at hindi ito matutuyot.

At ito ay nangyari na, na kanya itong pinungusan, at binungkal ang palibot nito, at inalagaan ito alinsunod sa kanyang salita.

Jacob 5:6

Ang puno ay nagsimulang tubuan ng mga bagong maliliit na sanga, ngunit ang itaas ng puno ay nagsisimulang mamatay.

At ito ay nangyari na, na sa paglipas ng maraming araw na nagsimulang tubuan ito ng kaunting mga sariwa at murang sanga; subalit masdan, ang pinakatalbos niyon ay nagsimulang matuyot.