Jacob 5:4–5

At ito ay nangyari na, na ang panginoon ng olibohan ay humayo, at nakita niyang ang kanyang punong olibo ay nagsimulang mabulok; at kanyang sinabi:

Aking pupungusin ito, at bubungkalin ang palibot nito, at aalagaan ito, na baka sakaling tubuan ito ng mga sariwa at murang sanga, at hindi ito matutuyot.

At ito ay nangyari na, na kanya itong pinungusan, at binungkal ang palibot nito, at inalagaan ito alinsunod sa kanyang salita.

From section: Pangangalaga sa Nabubulok na Puno ng Olibo sa Pamamagitan ng Pagpuputol at Pagbubungkal.

From page: Ang Talinghaga ng Puno ng Olibo

Commentary