Samakatwid, humayo, at magtawag ng mga tagapagsilbi, upang masigasig tayong makagawa nang buong lakas sa olibohan, upang ating maihanda ang daan, na muli akong makapagpabunga ng likas na bunga, kung aling likas na bunga ay mainam at pinakamahalaga sa lahat ng iba pang bunga.
Kaya nga, halina’t humayo tayo at gumawa nang buong lakas natin sa huling pagkakataon, sapagkat masdan, ang katapusan ay nalalapit na, at ito ang huling pagkakataon na pupungusan ko ang aking olibohan. Ihugpong ang mga sanga; simulan sa huli upang ang mga ito ang mauna, at upang ang nauna ang mahuli, at bungkalin ang palibot ng mga puno, kapwa magulang at mura, ang una at ang huli; at ang huli at ang una, upang muling maalagaan ang lahat sa huling pagkakataon.
Samakatwid, bungkalin ang kanilang palibot, at pungusan ang mga ito, at muling lagyan ng pataba ang mga ito, sa huling pagkakataon, sapagkat ang katapusan ay nalalapit na. At kung sakali mang tumubo ang mga huling hugpong na ito, at mamunga ng likas na bunga, doon ninyo ihahanda ang paraan para sa kanila upang ang mga ito ay tumubo.