Jacob 6:9–10

Hindi ba ninyo nalalaman na kung inyong gagawin ang mga bagay na ito, na ang kapangyarihan ng pagtubos at ng pagkabuhay na mag-uli, na taglay ni Cristo, ay dadalhin kayo upang tumayo nang may kahihiyan at kakila-kilabot na pag-uusig ng budhi sa harapan ng hukuman ng Diyos? At alinsunod sa kapangyarihan ng katarungan, sapagkat hindi maitatanggi ang katarungan, tiyak na matutungo kayo sa yaong lawa ng apoy at asupre, na ang mga ningas ay di maapula, at ang usok ay pumapailanglang magpakailanman, kung aling lawa ng apoy at asupre ay walang katapusang kaparusahan.

From section: Mga Puna ni Jacob

From page: Ang Talinghaga ng Puno ng Olibo

Commentary