Jacob 6:7–8

Sapagkat masdan, matapos kayong busugin ng mabuting salita ng Diyos sa buong maghapon, mamumunga ba kayo ng masasamang bunga, upang kayo ay putulin at ihagis sa apoy? Masdan, inyo bang tatanggihan ang mga salitang ito? Inyo bang tatanggihan ang mga salita ng mga propeta; at inyo bang tatanggihan ang lahat ng salitang sinabi hinggil kay Cristo, matapos na napakaraming nangusap hinggil sa kanya; at itatwa ang mabuting salita ni Cristo, at ang kapangyarihan ng Diyos, at ang kaloob na Espiritu Santo, at inaapula ang Banal na Espiritu, at hinahamak ang dakilang plano ng pagtubos, na inilaan para sa inyo?

From section: Mga Puna ni Jacob

From page: Ang Talinghaga ng Puno ng Olibo

Commentary