Kaya nga, mga minamahal kong kapatid, nagsusumamo ako sa inyo sa mahinahong pananalita na magsisi kayo, at lumapit nang may buong layunin ng puso, at mangunyapit sa Diyos na tulad ng kanyang pangungunyapit sa inyo. At habang ang kanyang bisig ng awa ay nakaunat sa inyo sa liwanag ng araw, huwag patigasin ang inyong mga puso. Oo, ngayon, kung inyong maririnig ang kanyang tinig, huwag ninyong patigasin ang inyong mga puso; sapagkat bakit kayo mamamatay?