O kaya nga, mga minamahal kong kapatid, magsipagsisi kayo, at magsipasok sa makitid na pintuang bayan, at magpatuloy sa landas na makipot, hanggang sa inyong matamo ang buhay na walang hanggan. O maging marunong; ano pa ang masasabi ko?
Bilang pagtatapos, nagpapaalam ako sa inyo, hanggang sa magkita tayo sa harapan ng kasiya-siyang hukuman ng Diyos, kung aling hukuman ay magkikintal ng karima-rimarim na sindak at takot sa masasama.
Amen.