At ito ay nangyari na, nang makita ng Panginoon ng olibohan na mainam ang bunga nito, at na ang kanyang olibohan ay hindi na nangabubulok, tinawag niya ang kanyang mga tagapagsilbi, at sinabi sa kanila: [i]2343[/i]
Masdan, sa huling pagkakataong ito ay inalagaan natin ang aking olibohan; at namamasdan ninyong ginawa ko ang alinsunod sa aking kalooban; at naiimbak ko ang likas na bunga, na mainam ito, maging hanggang sa matulad ito sa simula.
At pinagpala kayo; sapagkat naging masigasig kayo sa paggawa na kasama ko sa aking olibohan, at sinunod ang aking mga kautusan, at naibalik muli sa akin ang likas na bunga, na hindi na nangabubulok ang aking olibohan, at itinapon ang masasama, masdan, magkakaroon kayo ng kagalakan kasama ko dahil sa bunga ng aking olibohan.