At iniutos ng Panginoon ng olibohan na dapat itong bungkalin sa palibot, at pungusan, at alagaan, sinasabi sa kanyang tagapagsilbi:
Ikalulungkot kong mawala sa akin ang punong ito; samakatwid, na baka sakaling mapangalagaan ko ang mga ugat niyon upang hindi matuyot ang mga ito, upang maalagaan ang mga yaon para sa aking sarili, kung kaya’t ginawa ko ang bagay na ito.
Samakatwid, humayo ka; bantayan ang puno, at alagaan ito, alinsunod sa aking mga salita. At ang mga ito ay ilalagay ko sa pinakamalayong dako ng aking olibohan, saan ko man naisin, hindi na ito mahalaga sa iyo; at gagawin ko ito upang mapangalagaan ko para sa aking sarili ang mga likas na sanga ng puno; at gayon din, upang makapag-imbak ako ng mga bunga sa panahon niyon, para sa aking sarili; sapagkat ikalulungkot kong mawala sa akin ang punong ito at ang bunga niyon.