Jacob 5:51–54

At sinabi ng panginoon:

Oo, patatagalin ko ito nang kaunti pa, sapagkat ikalulungkot kong mawala sa akin ang mga puno ng aking olibohan.

Samakatwid, kunin natin ang mga sanga ng mga ito na itinanim ko sa pinakamalayong dako ng aking olibohan, at ating ihugpong ang mga ito sa punong kanilang pinagmulan; [i]2342[/i] at ating putulin mula sa puno ang yaong mga sangang napakapait ang bunga, at ihugpong sa mga likas na sanga ng puno bilang kapalit niyon. At gagawin ko ito upang hindi matuyot ang puno, na baka sakali, mapangalagaan ko para sa aking sariling layunin ang mga ugat niyon.

At, masdan, buhay pa ang mga ugat ng mga likas na sanga ng puno na aking itinanim saan ko man naisin; samakatwid, upang mapangalagaan ko ang mga yaon para sa sarili kong layunin, kukuha ako ng mga sanga sa punong ito, at ihuhugpong ko ang mga ito sa mga yaon.

Oo, ihuhugpong ko sa mga yaon ang mga sanga ng kanilang inang puno, upang mapangalagaan ko rin ang mga ugat para sa aking sarili, na kapag sapat na ang kanilang lakas ay baka sakaling mamunga ang mga ito ng mabubuting bunga para sa akin, at magkakaroon pa rin ako ng kagalakan sa bunga ng aking olibohan.

From section: Pangangalaga sa Mga Karagdagang Pagkabulok sa Pamamagitan ng Paghuhugpong at Pagsusunog

From page: Ang Talinghaga ng Puno ng Olibo

Commentary