At ngayon, masdan, aking mga kapatid, tulad ng sinabi ko sa inyo na magpopropesiya ako, masdan, ito ang aking propesiya—na ang mga bagay na sinabi ng propetang si Zenos, hinggil sa sambahayan ni Israel, kung saan niya inihalintulad sila sa isang likas na punong olibo, ay tunay na magaganap. [i]2344[/i]
At sa araw na iuunat niyang muli ang kanyang kamay sa ikalawang pagkakataon upang bawiin ang kanyang mga tao, ay ang araw, oo, maging ang huling pagkakataon, na ang mga tagapaglingkod ng Panginoon ay hahayo sa kanyang kapangyarihan, upang pangalagaan at pungusan ang kanyang olibohan; at matapos yaon ay madaling darating ang katapusan.