At ito ay nangyari na, na ito ay nakita ng panginoon ng olibohan, at sinabi sa kanyang tagapagsilbi:
Ikalulungkot kong mawala sa akin ang punong ito; kaya nga, humayo at bumali ng mga sanga mula sa ligaw na punong olibo, at dalhin dito sa akin; at ating puputulin yaong mga punong sanga na nagsisimulang matuyot, [i]2339[/i] at itatapon natin ang mga yaon sa apoy upang ang mga ito ay masunog.
At masdan, wika ng Panginoon ng olibohan, kukunin ko ang marami sa mga sariwa at murang sanga, at ihuhugpong ko ang mga ito saan ko man naisin; at hindi na mahalaga kung sakali mang matuyot ang ugat ng punong ito, iiimbak ko ang bunga niyon para sa aking sarili; anupa’t kukunin ko ang mga sariwa at murang sangang ito at ihuhugpong ko ang mga ito saan ko man naisin.
Iyong kunin ang mga sanga ng ligaw na punong olibo, at ihugpong ang mga ito sa pinagkunan niyon; at itong aking mga pinutol ay itatapon ko sa apoy at susunugin ang mga ito upang hindi makasagabal ang mga ito, sa aking olibohan.