At ito ay nangyari na, na sinabi ng Panginoon ng olibohan sa kanyang tagapagsilbi:
Ang punong ito ay walang silbi sa akin, at ang mga ugat niyon ay walang silbi sa akin habang ito ay namumunga ng masamang bunga. Gayon pa man, nalalaman ko na ang mga ugat ay mabuti, at pinangalagaan ko ang mga ito para sa aking sariling layunin; at dahil sa kanilang labis na lakas, namunga ang mga ito, mula sa mga ligaw na sanga, ng mabuting bunga.
Subalit masdan, ang mga ligaw na sanga ay tumubo at nadaig ang mga ugat niyon; at dahil sa nadaig ng mga ligaw na sanga ang mga ugat niyon, namunga ito ng maraming masamang bunga; at dahil sa namunga ito ng maraming masamang bunga ay namasdan ninyong nagsimula itong matuyot; at malapit na itong mahinog, upang maitapon sa apoy, maliban kung gagawa tayo ng ano mang paraan upang ito ay mapangalagaan.