At ito ay nangyari na, na lumipas ang mahabang panahon, at sinabi ng Panginoon ng olibohan sa kanyang tagapagsilbi:
Halina, bumaba tayo sa olibohan, upang muli tayong makagawa sa olibohan. Sapagkat masdan, nalalapit na ang panahon, at ang katapusan ay malapit nang dumating; kaya nga, kinakailangan kong mag-imbak ng bunga para sa darating na panahon, para sa aking sarili.
At ito ay nangyari na, na bumaba sa olibohan ang Panginoon ng olibohan at ang tagapagsilbi; at nagtungo sila sa puno na pinutulan ng mga likas na sanga; at ang hinugpong na mga ligaw na sanga; at masdan, lahat ng uri ng bunga ay ibinunga ng puno.
At ito ay nangyari na, na tinikman ng Panginoon ng olibohan ang bunga, bawat uri ayon sa bilang nito. At sinabi ng Panginoon ng olibohan:
Masdan, inalagaan natin ang punong ito sa mahabang panahon, at nakapag-imbak ako para sa aking sarili ng maraming bunga para sa darating na panahon. Subalit masdan, ngayon namunga ito ng maraming bunga, at wala ni isa man dito ang mainam. At masdan, may lahat ng uri ng masasamang bunga; at walang silbi ito sa akin, sa kabila ng lahat ng ating pagpapagal; at ngayon ikinalulungkot kong mawala ang punong ito.
At sinabi ng Panginoon ng olibohan sa tagapagsilbi:
Ano ang ating gagawin sa puno, upang muli kong maiimbak ang mainam na bunga niyon para sa aking sarili?
At sinabi ng tagapagsilbi sa kanyang panginoon:
Masdan, dahil sa inyong inihugpong ang mga sanga ng ligaw na punong olibo ay pinagyaman nito ang mga ugat, kung kaya’t nabuhay ang mga ito at hindi natuyot; kaya nga namasdan ninyo na ang mga ito ay mainam pa rin.
At ito ay nangyari na, na sinabi ng Panginoon ng olibohan sa kanyang tagapagsilbi:
Ang punong ito ay walang silbi sa akin, at ang mga ugat niyon ay walang silbi sa akin habang ito ay namumunga ng masamang bunga. Gayon pa man, nalalaman ko na ang mga ugat ay mabuti, at pinangalagaan ko ang mga ito para sa aking sariling layunin; at dahil sa kanilang labis na lakas, namunga ang mga ito, mula sa mga ligaw na sanga, ng mabuting bunga.
Subalit masdan, ang mga ligaw na sanga ay tumubo at nadaig ang mga ugat niyon; at dahil sa nadaig ng mga ligaw na sanga ang mga ugat niyon, namunga ito ng maraming masamang bunga; at dahil sa namunga ito ng maraming masamang bunga ay namasdan ninyong nagsimula itong matuyot; at malapit na itong mahinog, upang maitapon sa apoy, maliban kung gagawa tayo ng ano mang paraan upang ito ay mapangalagaan.
At ito ay nangyari na, na sinabi ng Panginoon ng olibohan sa kanyang tagapagsilbi:
Halina’t bumaba tayo sa pinakamalayong dako ng olibohan, at masdan kung namunga rin ng masasamang bunga ang mga likas na sanga.
At ito ay nangyari na, na bumaba sila sa pinakamalayong dako ng olibohan. At ito ay nangyari na, na namasdan nilang nangabulok din ang mga bunga ng likas na sanga; oo, ang una at ang ikalawa, at gayon din ang huli; at nangabulok lahat ang mga ito. At ang ligaw na bunga ng huli ay nadaig yaong bahagi ng puno na namumunga ng mabuting bunga, maging sa matuyot ang mga sanga at namatay.
At ito ay nangyari na, na lumuha ang Panginoon ng olibohan, at sinabi sa tagapagsilbi:
Ano pa ba ang magagawa ko para sa aking olibohan? Masdan, alam ko na lahat ng bunga ng olibohan, maliban sa mga ito, ay nangabulok. At ngayon, ang mga ito na noong una ay namunga ng mabuting bunga ay nangabulok din; at ngayon, ang lahat ng puno sa aking olibohan ay walang silbi maliban sa ito ay putulin at ihagis sa apoy. At masdan itong huli, na natuyo ang sanga, ay itinanim ko sa mainam na dako ng lupa; oo, maging sa yaong pinakamataba sa lahat ng dako ng lupa ng aking olibohan.
At namasdan mong akin ding pinutol ang yaong tumutubo sa dakong ito, upang maitanim ko ang punong ito bilang kapalit niyon. At namasdan mo na isang bahagi niyon ay namunga ng mabuting bunga, at ang isang bahagi niyon ay namunga ng ligaw na bunga; at dahil sa hindi ko pinutol ang mga sanga niyon at itinapon ang mga ito sa apoy, masdan, dinaig ng mga ito ang mabuting sanga kung kaya’t natuyot ito.
At ngayon, masdan, sa kabila ng lahat ng ating pangangalaga sa aking olibohan, ang mga puno niyon ay nangabulok, kung kaya’t walang ibinubungang mabuting bunga ang mga ito; at ang mga ito ang inasahan kong pangangalagaan, upang makapag-imbak ng bunga niyon para sa darating na panahon, para sa aking sarili.
Subalit masdan, naging katulad ang mga ito ng ligaw na punong olibo, at wala itong silbi, kundi putulin at ihagis sa apoy; at ikinalulungkot kong mawala sa akin ang mga yaon.
Subalit ano pa ba ang magagawa ko para sa aking olibohan? Naging mahina ba ang aking mga kamay, na hindi ko ito naalagaan? Hindi, aking inalagaan ito, at aking binungkal ang palibot nito, at aking pinungusan ito, at nilagyan ko ito ng pataba; at iniunat ko ang aking kamay halos buong maghapon, at papalapit na ang katapusan.
At ikinalulungkot ko na nararapat kong putulin ang lahat ng puno ng aking olibohan, at ihagis ang mga ito sa apoy upang ang mga yaon ay sunugin. Sino ang nagpabulok sa aking olibohan?
At ito ay nangyari na, na sinabi ng tagapagsilbi sa kanyang panginoon:
Hindi ba sa kataasan ng inyong olibohan—hindi ba’t dinaig ng mga sanga niyon ang mga ugat na mabubuti? At dahil sa nadaig ng mga sanga ang mga ugat niyon, masdan, higit na mabilis ang pagtubo nito kaysa sa lakas ng mga ugat, kumukuha ng lakas para sa kanilang sarili. Masdan, sinasabi ko, hindi ba’t ito ang dahilan kung bakit nangabulok ang mga puno ng inyong olibohan?