At ito ay nangyari na, na makaraang kami ay makapaglayag sa loob ng maraming araw kami ay sumapit sa lupang pangako; at kami ay dumaong sa lupa, at nagtayo ng aming mga tolda; at tinawag namin itong lupang pangako.
At ito ay nangyari na, na nagsimula kaming magbungkal ng lupa, at kami ay nagsimulang magtanim ng mga binhi; oo, itinanim namin ang lahat ng aming binhi sa lupa, na aming dinala buhat sa lupain ng Jerusalem. At ito ay nangyari na, na ang mga yaon ay lubhang nagsiyabong; anupa’t kami ay pinagpala nang sagana.
At ito ay nangyari na, na aming natagpuan sa lupang pangako, sa aming paglalakbay sa ilang, na may lahat ng uri ng hayop sa kagubatan, kapwa ng baka at ng toro, at ng asno at ng kabayo, at ang kambing at ang mailap na kambing, at lahat ng uri ng mababangis na hayop, na para sa gamit ng tao. At aming natagpuan ang lahat ng uri ng inang mina, kapwa ng ginto, at ng pilak, at ng tanso.