Ang Kolonisasyon ng Lupaing Pangako

Ang Pagdating, Pagtuklas, at Pamamalagi sa Lupang Pangako

1 Nephi 18:23
Ang mga manlalakbay ay nakarating sa lupang pangako; sila ay nagtayo ng kuta.
1 Nephi 18:24
Nagsimula sila ng mga gawaing pang-agrikultura.
1 Nephi 18:25
Sila ay naglakbay at natagpuan ang lahat ng uri ng hayop sa kagubatan.

Ang Mga Talaan ni Nephi

1 Nephi 19:1–2
Sa utos ng Panginoon, si Nephi ay gumawa ng mga lamina mula sa inang mina, at itinala ang ulat pangkasaysayan ni Lehi.
1 Nephi 19:4–5, 2 Nephi 5:29
Ang mga laminang ito ay nagbibigay ng mga sekular na kasaysayan ng mga tao; ito ay magpapasalin-salin mula sa isang salinlahi hanggang sa susunod.
1 Nephi 9:4, 10:1
Ang mga lamina rin ay nagbibigay ulat tungkol sa mga hari at mga pakikidigma.
2 Nephi 5:30–33
Si Nephi ay inutusan na gumawa ng iba pang mga lamina.
1 Nephi 9:2–3,5–6
Ang mga laminang ito ay hindi nagbibigay ng kabuuang kasaysayan ng mga tao.
1 Nephi 19:3,6–7
Ang mga talaang ito ay para sa pagtatala ng mga pang-relihiyon at pang-espiritual na mga ulat ng kanyang mga tao.
1 Nephi 1:16–17
Si Nephi ay nagbigay lamang ng bahagyang ulat ng kanyang simulain at ng kanyang pamilya sa kanyang talaan.
1 Nephi 6:1–6
Hindi nagabalang punuan ni Nephi ang mga laminang ito ng makalupang impormasyon na pangkasaysayan, bagkus ay pinunuan niya ito ng mga espirituwal na nakapanghihikayat na mga nilalaman.
1 Nephi Intro, 1:1–3
Nagsimula si Nephi na sumulat sa mga laminang ito sa pamamagitan ng pagpapaikli sa kanyang istorya hanggang sa puntong ito—siya ay nag sulat sa wikang Judeo—egipto.

Ang Mga Kasulatan at Mga Aral ni Nephi

1 Nephi 19:8–21
Si Nephi ay kumuha ng mga nilalaman mula sa laminang tanso upang bumanghay ng mga malapropesiyang sanaysay tungkol kay Jesukristo.
1 Nephi 19:22–24
Si Nephi ay nangaral ng mga bagay na nakasulat sa mga laminang tanso; ninais niyang hikayatin ang lahat na maniwala kay Jesukristo.
1 Nephi 22:1
Hindi nauunawaan ng mga kapatid ni Nephi kung ano ang ibig sabihin ng mga bagay na ito.
1 Nephi 22:2–31
Si Nephi ay nagbigay sa kanila ng mga detalyado at mahabang pagsusuri at paliwanag.

Ang Mga Huling Araw ni Lehi

2 Nephi 1:1-4
Matapos magsalita si Nephi, kumuha si Lehi ng pagkakataon, at pinaalalahanan ang kanyang pamilya tungkol sa mga awa ng Panginoon, at tungkol sa lupang pangako.
2 Nephi 4:12
Si Lehi ay namatay.

Ang Pagkakahati-hati sa Pagitan ng mga Nephita at ng Mga Lamanita

2 Nephi 4:13–14
hindi pa nagtatagal matapos ang kamatayan ni Lehi, si Laman, si Lemuel at ilan sa mga anak na lalaki ni Ismael ay muling nagalit kay Nephi at kanyang mga tagasunod sa muling pagbanggit sa mga salita ni Lehi.
2 Nephi 4:15–35
Si Nephi ay sumulat ng isang awit na naghahayag ng kanyang mga pakiramdam.
2 Nephi 5:1–4, 34
Sa kabila ng mga panalangin ni Nephi, ang pagsalungat ni Laman at Lemuel ay lumalim lamang, at hinangad nilang patayin si Nephi.
2 Nephi 5:5–6
Binalaan ng Panginoon si Nephi, at nagtagubilin sa kanya na lumisan—binalaan ni Nephi ang kanyang mga tagasunod.
2 Nephi 5:7
Si Nephi at ang kanyang mga tagasunod (Nephita) ay nilisan ang tahanan at ang mga lamanita (tagasunod ni Laman at Lemuel).
2 Nephi 5:19–20
Ang lahat ng mga pangyayaring ito ay mga katuparan ng propesiya.

Ang Kabihasnan ng Mga Lamanita

2 Nephi 5:21–23, Jacob 3:3
Ang mga Lamanita ay isinumpa, at inihiwalay mula sa impluwensiya ng Diyos.
2 Nephi 5:24–25
Ang kultura ng mga Lamanita ay naging hamak.
Jacob 1:13–14, Enos 20
Ang mga Lamanita ay naghangad na patayin ang mga Nephita.
Jacob 7:24, Enos 20
Sa kabila ng mga pagsisikap misyonero ng mga Nephita, ang mga Lamanita ay nanatiling kabihasnang walang Diyos.
Jarom 6
Ang kabihasnang Lamanita ay dumami at pinalawak ang mga teritoryo nito.