At ito ay nangyari na, na hindi pa nakalilipas ang maraming araw pagkaraan ng kanyang kamatayan, sina Laman at Lemuel at ang mga anak na lalaki ni Ismael ay nagalit sa akin dahil sa mga babala ng Panginoon. [i]2274[/i] Sapagkat ako, si Nephi, ay napilitang mangusap sa kanila, alinsunod sa kanyang salita; sapagkat ako ay nangusap ng maraming bagay sa kanila, at gayon din ang aking ama, bago siya namatay; karamihan sa mga naturan ay nakasulat sa aking ibang lamina; [i]2275[/i] sapagkat ang higit na malaking bahagi ng kasaysayan ay nakasulat sa aking ibang lamina. [i]1344[/i]