Ang Kolonisasyon ng Lupaing Pangako

Ang Pagkakahati-hati sa Pagitan ng mga Nephita at ng Mga Lamanita

2 Nephi 4:13–14

hindi pa nagtatagal matapos ang kamatayan ni Lehi, si Laman, si Lemuel at ilan sa mga anak na lalaki ni Ismael ay muling nagalit kay Nephi at kanyang mga tagasunod sa muling pagbanggit sa mga salita ni Lehi.

At ito ay nangyari na, na hindi pa nakalilipas ang maraming araw pagkaraan ng kanyang kamatayan, sina Laman at Lemuel at ang mga anak na lalaki ni Ismael ay nagalit sa akin dahil sa mga babala ng Panginoon. Sapagkat ako, si Nephi, ay napilitang mangusap sa kanila, alinsunod sa kanyang salita; sapagkat ako ay nangusap ng maraming bagay sa kanila, at gayon din ang aking ama, bago siya namatay; karamihan sa mga naturan ay nakasulat sa aking ibang lamina; sapagkat ang higit na malaking bahagi ng kasaysayan ay nakasulat sa aking ibang lamina.

2 Nephi 4:15–35

Si Nephi ay sumulat ng isang awit na naghahayag ng kanyang mga pakiramdam.

At sa mga ito ay isinulat ko ang mga bagay ng aking kaluluwa, at maraming banal na kasulatan ang nakaukit sa mga laminang tanso.

2 Nephi 5:1–4, 34

Sa kabila ng mga panalangin ni Nephi, ang pagsalungat ni Laman at Lemuel ay lumalim lamang, at hinangad nilang patayin si Nephi.

Masdan, ito ay nangyari na, na ako, si Nephi, ay labis na nagsumamo sa Panginoon kong Diyos, dahil sa galit ng aking mga kapatid. Datapwat masdan, ang kanilang galit ay lalong naragdagan laban sa akin, hanggang sa hinangad nilang kitlin ang aking buhay. Oo, sila ay bumulung-bulong laban sa akin, sinasabing:

Ang ating nakababatang kapatid ay nag-iisip na mamuno sa atin; at tayo ay nagkaroon na ng maraming pagsubok dahil sa kanya; kaya nga, ngayon, atin siyang patayin, upang hindi na tayo mahirapan pa dahil sa kanyang mga salita.

Sapagkat masdan, hindi natin siya mapahihintulutang maging ating pinuno; sapagkat nauukol sa atin na kanyang mga nakatatandang kapatid, ang mamuno sa mga taong ito.

Ngayon hindi ko isinusulat sa mga laminang ito ang lahat ng salitang kanilang ibinulung-bulong laban sa akin. Datapwat sapat nang aking sabihin na hinangad nilang kitlin ang aking buhay.


At sapat nang sabihin ko na apatnapung taon ang lumipas, at kami ay nagkaroon na ng mga digmaan at pakikipag-alitan sa aming mga kapatid.

2 Nephi 5:5–6

Binalaan ng Panginoon si Nephi, at nagtagubilin sa kanya na lumisan—binalaan ni Nephi ang kanyang mga tagasunod.

At ito ay nangyari na, na binalaan ako ng Panginoon, na ako, si Nephi, ay dapat na lumayo sa kanila at tumakas patungo sa ilang, at gayon din ang lahat ng gustong sumama sa akin.

Kung kaya, ito ay nangyari na, na ako, si Nephi, ay ipinagsama ang aking mag-anak, at gayon din si Zoram at ang kanyang mag-anak, at si Sam, ang aking nakatatandang kapatid at ang kanyang mag-anak, at sina Jacob at Jose, ang aking mga nakababatang kapatid, at gayon din ang aking mga kapatid na babae, at ang lahat ng may nais na sumama sa akin. At ang lahat ng nagnais na sumama sa akin ay yaong mga naniniwala sa mga babala at paghahayag ng Diyos; anupa’t sila ay nakinig sa aking mga salita.

2 Nephi 5:7

Si Nephi at ang kanyang mga tagasunod (Nephita) ay nilisan ang tahanan at ang mga lamanita (tagasunod ni Laman at Lemuel).

At dinala namin ang aming mga tolda at ang lahat ng bagay na maaari naming madala, at kami ay naglakbay sa ilang sa loob ng maraming araw.

2 Nephi 5:19–20

Ang lahat ng mga pangyayaring ito ay mga katuparan ng propesiya.

At masdan, ang mga salita ng Panginoon ay natupad sa aking mga kapatid, na kanyang sinabi hinggil sa kanila, na ako ang kanilang magiging pinuno at kanilang guro. Samakatwid, ako ang kanilang naging pinuno at kanilang guro, alinsunod sa mga kautusan ng Panginoon, hanggang sa panahong kanilang hangaring kitlin ang aking buhay. Samakatwid, ang salita ng Panginoon ay natupad na kanyang sinabi sa akin, sinasabing:

Kung hindi sila makikinig sa iyong mga salita sila ay itatakwil mula sa harapan ng Panginoon. At masdan, sila ay itinakwil mula sa kanyang harapan.