Gayunpaman,
_sa kabila ng dakilang kabaitan
_ng Panginoon,
_sa pagpapakita sa akin ng kanyang dakila at mga kagila-gilalas na gawain,
_ang aking puso ay napabulalas: [i]2276[/i]
O kahabag-habag akong tao!
Oo, ang aking puso ay nalulungkot dahil sa aking laman;
_ang aking kaluluwa ay nagdadalamhati dahil sa aking mga kasamaan.
Ako ay napipiit
_dahil sa mga tukso
_at kasalanang
_madaling bumibihag sa akin.
At kapag nais kong magsaya,
_ang aking puso ay dumaraing dahil sa aking mga kasalanan;
_gayunpaman, alam ko kung kanino ako nagtiwala.