Ang aking Diyos ang aking naging tagapagtaguyod;
_pinatnubayan niya ako
_sa aking mga kahirapan sa ilang;
_at pinangalagaan niya ako
_sa ibabaw ng tubig ng malawak na dagat.
Pinuspos niya ako ng kanyang pag-ibig,
_maging hanggang sa madaig ang aking laman.
Kanyang nilito ang aking mga kaaway,
_hanggang sa papangyarihin na sila ay mayanig sa harapan ko.
Masdan, narinig niya ang aking samo sa araw,
_at binigyan niya ako ng kaalaman
_sa pamamagitan ng mga pangitain sa gabi.
At sa araw ako ay nawalan ng takot
_na taimtim na manalangin sa harapan niya;
_oo, ang aking tinig ay pinararating ko sa kaitaasan;
_at ang mga anghel ay bumaba
_at naglingkod sa akin.
At sa mga bagwis ng kanyang Espiritu
_ay dinala ang aking katawan
_sa lubhang matataas na bundok.
At ang aking mga mata ay nakamalas ng mga dakilang bagay,
_oo, maging napakadakila para sa tao;
_anupa’t ako ay pinagbawalang
_isulat ang mga yaon.