O pagkatapos, kung nasaksihan ko ang mga gayong kadakilang bagay,
_kung ang Panginoon sa kanyang pagpapakababa
_sa mga anak ng tao
_ay dinalaw ang tao sa labis na pagkaawa,
_bakit mananangis ang aking puso
_at ang kaluluwa ko ay mamamalagi
_sa lambak ng kalungkutan,
_at ang aking katawan ay nanlalambot,
_at ang aking lakas ay nanghihina,
_dahil sa aking paghihirap?
At bakit ako magpapatalo sa kasalanan,
_dahil sa aking laman?
Oo, bakit ko bibigyang-daan ang mga tukso,
_na ang masama ay magkaroon ng pitak sa aking puso
_upang wasakin ang aking katahimikan at pahirapan ang aking kaluluwa?
Bakit ako nagagalit dahil sa aking kaaway?