[2 Nephi 4:15–35] Magalak sa Panginoon

Gumising, kaluluwa ko!
_Huwag nang yumuko sa kasalanan.

Magsaya, O aking puso,
_at huwag nang magbigay-puwang kailanman
_sa kaaway ng aking kaluluwa.

Magsaya, O aking puso,
_at magsumamo sa Panginoon,
_at sabihin:

O Panginoon, pupurihin ko kayo magpakailanman;
_oo, ang aking kaluluwa ay magsasaya sa inyo,
_aking Diyos, at bato ng aking kaligtasan.

From section: Ang Pagkakahati-hati sa Pagitan ng mga Nephita at ng Mga Lamanita

From page: Ang Kolonisasyon ng Lupaing Pangako

Commentary