O Panginoon, maaari bang tubusin ninyo ang aking kaluluwa?
Maaari bang iligtas ninyo ako
_mula sa mga kamay ng aking mga kaaway?
Maaari bang gawin ninyong ako
_ay manginig sa paglitaw ng kasalanan?
Sana ang mga pasukan ng impiyerno
_ay patuloy na mapinid sa harapan ko,
_sapagkat ang aking puso ay bagbag
_at ang aking espiritu ay nagsisisi!
O Panginoon, maaari bang huwag ninyong ipinid
_ang mga pasukan ng inyong kabutihan sa harapan ko,
_upang ako ay makalakad sa landas ng mababang lambak,
_upang ako ay manatili sa patag na daan!
O Panginoon, maaari bang balutin ninyo ako
_ng bata ng inyong kabutihan!
O Panginoon, maaari bang igawa ninyo ako ng daan
_upang makatakas sa harapan ng aking mga kaaway!
Maaari bang gawin ninyong tuwid ang aking landas sa harapan ko!
Maaari bang huwag kayong maglagay ng batong katitisuran sa aking daraanan—
_bagkus inyong hawanin ang aking daraanan sa harapan ko,
_at huwag ninyong sanggahan ang aking landas,
_kundi ang daan ng aking kaaway.