[2 Nephi 4:15–35] Walang hanggang tiwala

O Panginoon, ako ay nagtiwala sa inyo,
_at ako ay magtitiwala sa inyo magpakailanman.

Hindi ako magtitiwala sa bisig ng laman;
_sapagkat alam kong susumpain siya
_na nagtitiwala sa bisig ng laman.

Oo, sumpain siya na nagtitiwala sa tao at
_ginagawa ang laman na kanyang bisig.

Oo, alam ko na ang Diyos ay magkakaloob nang sagana
_sa kanya na humihingi.

Oo, ang aking Diyos ay pagkakalooban ako, kung ako ay hihingi nang hindi lisya;
_samakatwid, paaabot ko ang aking tinig sa inyo,

oo, ako ay magsusumamo sa inyo, aking Diyos,
_ang bato ng aking kabutihan.

Masdan, ang aking tinig ay papailanglang
_sa inyo magpakailanman,
_aking bato at aking Diyos na walang hanggan.

Amen.

From section: Ang Pagkakahati-hati sa Pagitan ng mga Nephita at ng Mga Lamanita

From page: Ang Kolonisasyon ng Lupaing Pangako

Commentary